Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: First-Ever na Pagawaan ng Barko sa Ilalim ng DU30 Govt, Bubuksan!

Para kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, dapat ay sasakyan pandagat ang pangunahing transportasyon ng mga Pilipino dahil ang ating bansa ay binubuo ng libo-libong mga pulo.

Kaya nais buksan ang kauna-unahang ship building facility sa ilalim ng Duterte Administration. Layon din nito na mapaunlad ang maritime sector sa Pilipinas at mapaganda ang mga sasakyang pandagat ng bansa.

Sa oras na maipatayo na ang pasilidad ay gagawa ito ng mga sasakyang pandagat tulad ng leisure vehicles, Roll-on/roll-off ships at fast craft.

“Hindi naman ngayong lang nasimulang ang pag-iisisp na iyan. Matagal na namin pinag-uusapan iyan. Dalawang klase ho ‘yung ship building. ‘Yung isa building talaga ng ships, ‘yung isa ay leisure…,” sabi ni Secretary Tugade.

Layon na pagsama-samahin ang mga kumpanya na gumagawa ng mga sasakyan pandagat sa iisang lugar para mai-promote ang local ship building industry .

“We want to able to deploy as many passenger vessels as possible during the time of decommissioning of vessels that are not acceptable for safety our passengers ,” paliwanag naman ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.

Sa plano ng PPA, may 10 hektarya ang gagamiting espasyo para sa programa at mayroon din itong P300 million initial investment.

Basahin ang naging reaskyon at komento ng ilang kababayan natin sa pinaplanong ito ng pamahalaan.

“Good news yan.mabuhay kadigong. Marami kana nagawa sa bayan.mga nagdaan presedente poro nagorap ang ginawa.ninakaw nila pera ng bayan kaya mrami na ngayong nag hirap mga kababayan natin.god bless po pres.,” sabi ni M. Colbong.

“Yun… Ship building facility ayun sa standard policy ng government to ensure quality design and construction for safer use to the clients.
May good news na rin pumasok sa timeline ko.
Salamat,”
sabi ni A. Beer.

“Sa Brgy. Buanoy at Arpili, Balamban Cebu nandun ang pagawaan ng mga Malalaking barko na itinayo ng mga international shipbuiders galing Japan ang Tsuneishi Heavy Indusries at ang Austal Shipbuilders galing Australia. Malaking maitulong yun sa ganyang proyeÄ·to ng pamahalaan.,” sabi ni W. Biarcal.

Source: PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén