Local News

Panoorin: Kayong Media, Wag Niyo Pag-awayin ang Bansa – BuCor Chief Faeldon

Matapos pumutok ang balitang lalaya si Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez dahil sa ulat ng ilang media, naalarma ang ilang kababayan natin. Si Sanchez ay convicted sa pagpatay sa 2 University of the Philippines Los Baños (UPLB) students at pagahasa sa isa sa mga biktima.

Nagsalita na sa isyu si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon at binanatan ang ilang miyembro ng media. Ayon kay Faeldon, walang katotohanan na lalaya na si Sanchez dahil nasangkot si Sanchez sa droga habang nakapiit ito sa Bilibid.

“Walang katiyakan na lalaya na siya… Alam mo naman ang mga tao mahilig gawin ang ganyang (tsismis) kasi para form of entertainment iyan sa Pilipinas na mag-create ng controversies… Mayroon na diyang politically motivated. Kako tumigil nga kayo. Some people want to destroy others. Sinabihan ko ang mga kasamahan natin sa mainstream media na maging responsable naman tayo at huwag niyong pag-away-awayin ang bansa. Huwag niyong i-agitate ang bayan. You put words into our mouths na hindi namin sinabi,” banat ni Faeldon.

Ganito rin ang naging tono ng pananalita ni Faeldons aharap ng mga reporters sa isang media briefing.

“Si Sanchez is not yet released, we are not even reviewing his papers but madami na akong nakikita sa news feed niyo na sinasabi niyo na politically motiviated. Please help the country. Huwag naman mag-speculate ng ganyan-ganyan. We are doing our best here because judicious nga tayo. Nagpa-panic na ang buong bansa. We are creating worries sa buong bansa based from speculations,” buwelta pa ni Faeldon

Source: MUB | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén