Local News

Panoorin: Lalabas na Pirate Station ang ABS-CBN kung Itutuloy ang Operasyon Kahit Walang Prangkisa – Franchise Laywer

Sa panayam ng SMNI kay Franchise Lawyer Attorney Rolex Suplico tungkol sa prangkisa ng media network, sinabi ng abogado na lalabas na pirate station ang ABS-CBN kung itutuloy daw ng istasyon ang operasyon nito kahit walang prangkisa.

“Ang batas ay nagsasabi na kung wala kayong prangkisa, hindi kayo maaaring ma-isyuhan ng provisional authority (PA). Gaano ho kahaba ang PA? 18 months. May kondisyon iyan at kung ma-fufill mo ang kondisyon, pwede ka ng makahingi ng Certificate of Public COnvenience and Necessity… (Pag-tinuloy ng ABS-CBN ang station) iyan ang tinatawag namin na ‘pirate station’. Ng pirate station ay isang TV o radio station na nag-o-operate na walang prangkisa o wlang PA mula sa National Telecommunication COmmission (NTC), “ sabi ni Atty. Suplico.

Pinaliwanag din ni Atty. Suplico na pag napaso na ng tuluyan ang prangkisa ng isang istasyon ay pwedeng ng kumpiskahin ng gobyerno ang frequency na ginagamit nito para sa broadcasting.

“Wala na po. In fact ay tinitignan ko ang timetable, malabo na talaga ang (ABS-CBN franchise). Ang pwedeng mangyari ay i-certify ng President as urgent pero I don’t think the President will certify. I’ve never heard of an instance where a president certified as urgent a franchise bill… (Sa regular na trabaho ng kongreso), malabo na kasi nasa franchise committee pa lang. Wala pang hearings at committee report. Ang committee report ay ipe-prepare pa para pirmahan ng mga members at isa-submit pa sa second reading. Eh wala pang ganoon, “ paliwanag ni Atty. Suplico.

Ikinababahala din ni Atty. Suplico ang pwedeng maging epekto ng senate hearing na pinangunahan ni Senadora Grace Poe ukol sa ABS-CBN franchise.

“Natatakot ako sa epekto ng hearing kahapon po sa industriya ng telecoms. Alam niyo bakit? Ang frequency is a finite resources, limitado po iyan. Papayagan ba natin ang isang entity na wala ng prangkisa na humawak ng frequency at mag-operate ng istasyon “ dagdag ni Atty. Suplico.

Source: SMNI

Leave a Reply

Theme by Anders Norén