Local News

Panoorin: Lalaki na Namakyu sa mga Pulis, Arestado ang Inabot!

Inaresto ng mga miyembro ng La Loma Police ang isang lalaki matapos mag-selfie na naka-dirty finger habang nasa istasyon ng kapulisan at background pa ang mga pulis. Narinig din ng isang pulis ang sinabi nitong pagmumura sa mga alagad ng batas.

Sa Closed-Circuit Television (CCTV) footage ng police station, makikta si Mark June Ejorcadas na tumayo at nagtungo sa lugar na hindi abot ng CCTV para mag-selfie. Hindi alam ng mga abalang pulis na ginawa pala silang background ng lalaki habang nag di-dirty si Ejorcadas. Isang pulis na nakasibilyan ang nakakita sa ginawa ni Ejorcadas at agad kinumpiska ang cellphone nito.

Base sa pahayag ng kapulisan, nagtungo daw si Ejorcadas sa police station para dalawin ang nakakulong nitong kapatid na may kasong robbery at snatching.

“Dumalaw siya dito sa station, dalawin niya yung kapatid niyang nahuli natin [dahil sa] robbery-snatching. Nagkataon naman na may pulis dun sa lobby natin na nag-uusap,” sabi ni La Loma Police Station deputy station commander Police Major Emelito Babon.

Ayon kay Ejorcadas, hindi daw niya alam na masama ang kanyang ginawa at hindi din daw siya galit sa mga alagad ng batas na humuli sa kapatid niya. Gusto lang umano niya na gamitin ang larawan bilang profile picture sa kanyang social media account.

“Hindi ko naman alam na masama yun. Picture lang po talaga… Hindi po ako galit sa pulis. Wala akong (dahilan). Na-picture lang ako pang-profile (picture),” sabi ni Ejorcadas.

Sinampahan ng kasong “unjust vexation” si Ejorcadas ng mga pinag-tripan niyang mga pulis.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawa ng lalaki.

“Oh dba mugshot ka ngaun! Un ibang kabataan pa cool minsan pero nakakbastos na!” sabi ni J. Jobjacob.

“kapag nasa Police station kayo kahit saan pa lupalop ng lupa ipakita nyo ang pinaka mabait ninyong sarili kung ayaw nyo magaya sa brain de*d na ito.” sabi ni C. Jenn.

Source: GMA News | Facebook

Leave a Reply

Theme by Anders Norén