Local News

Panoorin: Lalaking Bastos, Namunas ng Laway sa mga Sinulog Festival Attendees at Pinost pa sa Social Media?

Isang video ang ibinahagi ng Thinking Minds Facebook page kung saan makikita ang isang lalaki dumura sa kamay at ipinahid sa mga taong walang kamalay-malay na dumaan sa harapan niya. Ang masama pa ay ini-record ng mga kasamahan nyia ang kanyang ginawa.

Ayon sa caption sa video, nangyari daw ito sa Sinulog Festival.

Ang ganitong stunt ay delikado lalo na kung may nakakahawang sakit ang lalaki.

Wala pang impormasyon kung sino ang suspek pero nakarating na sa kaalaman ni Cebu City Councilor Joel Garganera – Panday ang nangyari at nakipagpulong na ito sa nabiktima ng kawatan. Ayon sa konsehal, gagawa sila ng legal na aksyon laban sa salarin.

“We will be working closely with the City Legal Office and their counsel for any possible legal actions. Meeting the victims of the incident which occured last Sunday, during Sinulog Festival. Wherein a person spit on his hand and mixed his saliva with paint and wiped it on the face of passersby… We wiil be working closely with the city legal office and their counsel for possible legal actions.,” paliwanag ni Councilor Panday.

Ikinagalit ng mga netizens ang ginawang kababuyan ng lalaki. Narito po ang ilan sa kanilang mga reaksyon at komento sa nangyari pamumunas ng laway.

“Itong bugok na to wala rin naman pala magagawang maganda bat nakisali ka pa dian. kung may nakakahawang sakit pala to malamang marami nang nahawaan. may sakit to sa pag iisip,” sabi ni E. Rendon.

“Isama kulong tong mga tropa nyang tuwang2x pa ….ka gropo nga talaga kayo mga bastos….pansinin ntin mukha nito pangit kasi kaya KSP,” sabi ni J. Cabrera.

“animal ning tawhana ni. gapandamay sa kahugawan ug gapakalatbug sakit (if naa xa sakit). gitika ninyo ni pag madakpan. gitika hangtod namatiurok ug mosulirap ang mata,” sabi ni テンプル テンプル.

Source: Thinking Minds | Councilor Joel Garganera – Panday

Leave a Reply

Theme by Anders Norén