Local News

Panoorin: Lalaki, Sumabit sa Jeep at Nang-Atake ng Pasahero sa Maynila!

Sa video na in-upload ng kababayan natin na si Drean Sanchez, makikita ang isang lalaki na nakasabit sa gilid ng jeep na tila may hinahatak at nanakit ng pasahero.

Masusulyapan ang ilang pasahero ng jeep na lumilipat sa kabilang bahagi para makaiwas sa pananakit ng lalaking nakasabit.

Nangyari ang insidente mga 6:30 ng umaga sa United Nation Avenue sa Maynila. Ang lugar na pinangyarihan ng insidente ay malapit lang sa Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigations (NBI).

Habang ginagawa ang blog post na ito ay pumalo na sa lagpas 27,000 ang nagbahagi ng video at umani na rin ito ng libo-libong reaksyon mula sa mga kababayan natin.

Narito naman po ang mas mahabang bersyon ng video na inilathala ng Daily Tribune.

Ito na po ang pahayag at paglilinaw ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa nangyari.

Source: Drean Sanchez | Daily Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén