Local News

Panoorin: Lalaking GMA Reporter, Pumasok sa CR ng Babae! Naghahanap ba ng mali sa SEA Games?

Pinuna ng netizen na si Harold Tan ang pagpasok ng GMA reporter na si Dano Tingcungco sa pambabaeng palikuran sa Biñan Stadium.

Sa Twitter post ng GMA News, ipinakita nila na ang female restroom sa naturang sport facility ay may urinal. Binanggit din sa post ang kontrobersiyal na dalawang toilet na nasa isang cubicle na nakita sa Rizal Memorial Complex.

Agad namang sinagot ni Tan ang obserbasyon ng GMA News. Tanong ni Tan, hindi ba raw alam ng news network na may mga nanay na dinadala ang kanilang batang anak na lalake sa loob ng female restrooms?

“Hasn’t he heard of mothers who bring their very young boys to the ladies room to tinkle, because mothers can’t go to the men’s room to accompany their very young sons?” banat ni Tan.

Binuweltahan din ni Tan ang paghahanap ng mali ng GMA News sa SEA Games.

“What was Dano Tingcungco doing in a ladies rest room? Was he highlighting the urinal inside the same rest room?… GMA News took down the tweet. Fault-finding and ignorance lowers a reporter’s reputation. If it chooses to feature the ignorant fault-finding, it lowers the network’s credibility. That’s why I don’t watch or listen to GMA News anymore,” banat ni Tan.

Habang isinusulat ang blog na ito ay umabot na sa mahigit 1,400 na ang nagbahagi sa post ni Tan. Umani na rin ito ng daan-daang komento mula sa mga kababayan natin.

Narito po ang reaksyon at tugon ng ilang netizens sa ginawa ng reporter.

” Asus, dito sa Singapore merong urinal na ganyan ang female toilet. Para yan sa mga anak na lalaki ng mga nanay.” sabi ni A. Coronel.

“Research muna ka muna bakit may mga urinal sa mga Female Restroom by design. Sa ibang bansa may ganyan para sa mga bata o anak na lalake na ayaw humiwalay o gusto isama ng mga nanay nila pag nag-CR sila.” sabi ni J. Morales.

Ang naturang video post ay tinanggal na ng GMA News.

Pero may isang pang netizen na nakapag-download ng video.

Sa mga serye ng twitter posts, nilinaw ni Tingcungco ang pag-uulat niya tungkol sa palikuran ng Biñan Stadium.

“Part of my coverage yesterday on the PHL Malditas’ opening match vs Myanmar was to see the facilities of our team’s homecourt, Binan Stadium.
Binan had a clean, organized area for spectators and media, and also well-appointed restrooms… One of the features of the female restroom there was a urinal. Organizers told me that it used to be an all male restroom but the female restroom was added there because of additional bleachers in the stadium and that the urinal was part of the original men’s restroom…This morning, event organizer Ariel Serrantes told me they couldn’t remove the urinal before the matches started but instead of covering it, they will repurpose it for toddlers to use,”
sabi ni TIngcungco.

Source: Harold Tan | Odette Dequito-Javier | Twitter 1 | Twitter 2 | Twitter 3

Leave a Reply

Theme by Anders Norén