Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: ‘Lalo tayong na-discriminate dahil sa iyo. Peste ka’ – Beki to Gretchen

Noong Agosto ay naging matinding isyu ang patungkol sa diumano’y diskriminasyon sa mga miyembro ng Lesbian Gays Bisexual Transgenders (LGBT) Community dahil sa kumalat na video kung saan pinagbawalan ng isang janitress na gumamit ng female toilet ang transgender na si Gretchen Diez. Nang dahil sa insidente, naikasa ang pagdinig sa senado kaugnay sa Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Ang naturang panukalang batas ay suportado ng ilan sa mga miyembro ng LGBT community pero mayroon din mga miyembro ng komunidad na hindi pabor dito.

Kamakailan lang ay nagpahayag si Diez ng posibilidad sa pagtakbo sa politika para tugunan daw ang nangyayaring diskriminasyon sa mga LGBT members.

Ilan sa mga hindi sang-ayon sa SOGIE Bill ay pinayuhan si Diez na huwag nang ipagpilitan ang isinusulong nito. Dahil tanggap naman daw ng lipunan ang mga katulad nila.

Pero may isang beki ngayon na viral sa social media ang hindi na nakapagpigil kay Diez. Ayon sa kanya, mas nagdulot pa ng mas malaking pinsala ang pinaggagawa ni Gretchen at lalong na-discriminate ang mga beki na tulad niya.

“Alam mo Gretchen, nagsawa na ako sa mukha mo sa Facebook pesteng bakla ka… Dahil sayo, tayong mga bakla, LGBT community at SOGI, lalo tayong na-discriminate ng tao… yama ka,” sabi ng beki sa video.

Ayon pa sa beki, dapat daw ay makuntento na lang ang mga katulad nila sa 3rd CR. Kahit anu daw ang gawin nila ay nakatayo pa rin naman daw silang ku iihi.

“Naghanap ka pa ng equality… Nagpupumilit ka pa na pumasok sa CR ng babae. Demonyo ka, At the end of the day, nakatayo pa rin tayo pag umihi,” paliwanag pa ng beki.

Ang mensahe na ito ng beki kay Gretchen ay pumalo na sa higit 172,000 views at libo-libo na rin ang nagbahagi ng video habang isinusulat ang blog post na ito.

Source: Thinking Minds

Leave a Reply

Theme by Anders Norén