Local News

Panoorin: Leni at Oposisyon, Gagamitin ang ICAD para Pabagsakin si DU30 ayon sa Source ni Tulfo!

Sa kanyang programang, ibinahagi ng beteranong mamamahayag na si Erwin Tulfo ang balak ng oposisyon habang si VIce President Leni RObredo ay naninilbihan bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee Against Illegal-Drugs (ICAD).

Ayon sa prominenteng broadcaster, isiniwalat sa kanya ng isang source na balak daw gamitin ni RObredo at ng oposisyon ang pagkakataon na ibinigay ng Pangulong Duterte sa bise presidente upang mapabagsak ang Duterte Administration.

“Ayon po sa aking impormante na galing sa Davao, basang-basa nila na noong na-appoint si Leni ay inaasahan na nila na unang gagawin nito ay mag tawag ng mga Amerikano, mag tawag ng mga taga United Nations, at ng Commission on Human Rights. Magsasama-sama sila dahil ang target nila ay idiin si Pangulong Duterte dito sa EJK. Hindi nila purpose ang masawata ang droga sa bansa. Ang unang nilang target ay kung paano madiin si Pangulong Duterte sa EJK,” rebelasyon ni Tulfo.

Binanatan din ni Tulfo ang diumano’y plano ng oposisyon.

“Logic at common sense, doon kayo nahuli mga oposisyon. Medyo mahina ang kokote ninyo. Kakaupo lang ninyo, tatawagin niyo na United Nations. Kakaupo lang ninyo, tatawagin niyo na ang human rights. Kakaupo lang ninyo, tatawagin niyo ang mga galit kay Duterte. Eh di basang-basa kayo. mahina din ang mga ito. Sana nagkunwari muna kayo na uubusin ang droga, eh hindi eh. Unang press conference, gustong maks-usapay Amerikano, United Nations. Oh ano nangyari ngayon? Eh di nauwi sa butata. Binigyan kayo ng pagkakataon na magsilbi sa bayan and to help our drug crisis. Iba pala ang plano ninyo,” buwelta pa ni Tulfo.

Source: Erwin Tulfo

Leave a Reply

Theme by Anders Norén