Local News

Panoorin: Leni, Nasupalpal Agad ng DILG Official!

Kahapon ay tinanggap na ni Vice President Leni Robredo ang alok at hamon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tumulong sa kampanya kontra-droga at maging co-chairperson sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa kanyang talumpati sa harap ng media, sinabi ni Robredo na hindi porke tinanggap niya ang pwesto ay mananahimik na lang daw siya. Boladas ni Robredo, patuloy pa rin daw siya sa pambabatikos.

“Kung iniisip niya (President Duterte) na sa pagpayag na ito ay tatahimik ako, nagkakamali siya… Alam ng Pangulo kung ano ang posisyon ko sa drug war: tutol ako sa pagpatay ng mga inosente, kontra ako sa pang-aabuso ng mga opisyal. Alam niya ang aking mga puna. Alam niya ang mga balak kong ayusin,” patutsada ni VIce President Robredo

Ang pahayag na ito ng bise presidente ay agad pinalagan ng opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG). Resbak ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya, dapat daw ay makipagtulungan si Robredo imbes na maging kritiko.

“Our understanding is, since she has accepted that position, she is there to work positively with the members of the ICAD. I think when you join an organization you should not consider yourself as a critic anymore. When you join an organization, you should consider yourself as a partner rather than a critic,” banat ni Undersecretary
Malaya.

Maari naman daw bumatikos si Robredo pero sa ngayon ay nakabase na raw ito sa katotrohanan dahil maibibigay daw skay vice president Robredo ang mga impormasyon at datos na dapat nitong malaman.

“I think the vice president criticism in so far as the numbers are concerned are not grounded on facts. The numbers being floated around are unreasonable and unfair to the law enforcement agenies who are putting their lives on the line everyday,” dagdag pa ni Undersecretary Malaya.

Source: ANC

Leave a Reply

Theme by Anders Norén