Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Leni, Pinapasama sa Anti-Drug Operations ng PDEA!

Inimbitahan sumama sa mga anti-drug operations si Vice President Leni Robredo. Ang imbitasyon ay galing mismo kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino. Ang rason daw nito ay para maranasan ni Robredo kung paano isinasagawa ng mga alagad ng batas ang paglaban sa ipinagbabawal na gamot.

“Maybe ma’m, I could ask you to join us in one of the operations. I’ll also be there para from the planning stage until the conduct of the operations… at least ma-feel mo kung paano talaga ang ginagawa ng mga law enforcers natin,” sabi ni PDEA Chief Aquino.

“The meeting went ok. In fact, maraming naintindihan na rin kahit papaano si Vice President. Hopefully, in the coming meetings for Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), mas maraming siyang matutunan, especially on the law enforcement side. Sabi ko nga, it will be bound to failure (si Robredo), kasi nga, in terms of dealing or working with law enforcers, walang ganun ang ating vice president,” paliwanag pa ni PDEA Chief Aquino.

Pabor naman daw si Robredo na sumabak sa mga anti-drug operations.

“Maraming salamat, general. Gustung-gusto ko iyan. Basta ako, I’ve been very emphatic about what I don’t like about the campaign.. the killings, especially because the poor are being victimized,” sagot ni Vice President Robredo.

Narito naman po ang reaksyon at tugon ng ilang kababayan natin.

“Tama po yan sir at nang maintindihan nila kasi mahirap pag puro haka2 lang.at ng malaman din nya kung may mga lapses ba talaga buti ng matunghayan o maranasan nya ang actual na pangyayari.buti na yong sa kanya na rin manggagaling kung ano ba talaga ang nangyayari sa actual na operation.at ma’s maganda sya pa harapin nyo o seven nyo sa warrant arrest baka madaan nyasa magandang pakiusapan.kasi gusto nya na maigligtas ang mga pusher o user.,” sabi ni J. Bantilan.

“Popcorn please….it’s reality vs expectation ito…live encounter sana pra makita nya real deal s pagpasok s mga lunga nang mga drug adik…,” ayon naman kay O. Petrus.

Source: News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén