Local News

Panoorin: Libreng Sakay sa Pasig Ferry hanggang Matapos ang Termino ni DU30, Pinag-aaralan na!

Inilunsad na kahapon ang Pasig River Ferry Service at pinag-aaralan ng mga transportation officials ang posibilidad na maialok ang libreng sakay hanggang sa 2022 o ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa ngayong kasi ay magiging libre ang pagsakay dito mula Disyembre 9hanggang Enero 31 ng 2020 lamang.

“Libre ito at the end of January pero pinipilit namin na makapag-source pa ng funds and resources. Kung pwede lang sana libre na ito habang si Presidente (Rodrigo) Duterte ay nakaupo, pero ginagawan natin ng paraan. Kung hindi man libre babaan pa natin yung (pamasahe),” sabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Ang Pasig Ferry Service ay sinimulan noong 2014 para makatulong sa lumalalang problema sa trapik. Pero natigil ito dahil sa ilang pagkukulang sa operasyon nito.

Ngayon daw ay lubos ang suporta ng Palasyo sa proyekto. Inaasahan ng mga transportation official na magiging nmatagumpay ang programa.

“Na-launch na noon pero apparently maraming pagkukulang…at this time malaki yung suporta ng Malacañang sa proyektong ito… Very positive tayo na maganda itong pupuntahan nitong proyektong dahil nakita naman ninyo yung mga suporta, suportado tayo ng Malacañang, ng senador, suportado tayo ng local government units, suportado tayo ng private sector na marami sakanila magdo-donate,” sabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim.

Mayroong 11 na istasyon ang Ferry Service (Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, Pingbuhatan, San Joaquin, Maybunga, Guadalupe, Valenzuela at Hulo.) at isinailalim na ang mga ferry boats sa pagsasa-ayos. Kalaunan ay dadagdagan pa daw ang mga ferry boats para mas marami ang mapagsilbihan.

Tatahakin ng Pasig River Ferry Service ang Escolta sa Manila hanggang sa Pinagbuhatan sa Pasig City.

Ilan sa mga opisyal na dumalo sa paglulunsad ng Ferry System ay sina Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica, Senator Christopher “Bong” Go, Department of Environment and National Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, Mayor Isko Moreno of Manila, Mayor Vico Sotto of Pasig, Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at MMDA Chairman Danilo Lim.

Source: GMA News | Inquirer | Politiko

Leave a Reply

Theme by Anders Norén