Local News

Panoorin: Liza Soberano, Nagsumamo na rin kay PDU30 para I-Renew ang ABS-CBN Franchise

Kung kahapon ay naging laman ng balita ang hiling ni Mega Star Sharon Cuneta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN, ngayon ay si Liza Soberano naman ang nanawagan sa Presidente na huwag tutulan ang franchise renewal ng kumpanya. Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa Marso 2020.

Katulad ni Cuenta, isinangkalan din ni Soberano ang ibang empleyado ng network kung sakaling huminto ang kumpanya sa operasyon nito.

“I hope he wakes up one morning and he thinks about it again, and maging bukas ‘yung puso niya sa lahat ng smaller employees na nangangailangan ng trabaho,” sabi ni Soberano.

Kamakailan lang ay nagbanta muli si Pangulong Duterte na haharangin ang legislative franchise ng ABS-CBN at sinabihan pa ang mga may-ari ng kumpanya na ibenta na lang ang network.

“Your contract is about to expire. You will try to renew it but I don’t know what will happen to that… Kung ako sa inyo ipagbili niyo na ‘yan. Kasi ang mga Filipino ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever,” banat ni Pangulong Duterte.

Ilan sa mga rason ni Pangulong Duterte sa balak na pagharang sa franchise renewal ng ABS-CBN ay ang hindi umano pag-e-ere ng network ng kanyang campaign advertisement noong 2016 presidential elections kahit na nagbayad na raw siya ng air time. Hindi rin nagustuhan ng Pangulo ang pag-ere ng black propaganda ni former senator Antonio Trillanes noong panahon na iyon kung saan mga bata ang nagsasalita laban sa dating Alkalde ng Davao.

Kahapon ay nagsaita na rin si Cuneta sa isyu.

“I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN… not just because I just renewed. I can always find a job. But everybody I grew up with here… who have become family, good friends, will lose almost everything they built over the years… So, I hope in my heart that our dear President reconsiders the thousand and thousands of employees who have grown up here, learned the ropes here. And that includes me” sabi ni Cuneta.

Source: ABS-CBN | Philstar | Philstar | PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén