Local News

Panoorin: “Lupang Hinirang”, Binastos ng Filipino Youtube Star?

Pinag-uusapan ngayon ang video ng Filipino Youtube Star na si Bretman Rocks nang kantahin nito ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Sa video na ibinahagi ng isang Facebook page, mapapanood ang ang Youtuber na inaawit ang ‘Lupang Hinirang’ habang kumekendeng at kumkembotkembot.

Ang stunt na ito ng Youtube Star ay hindi pinalampas at binatikos ng ilang netizens.

“Yan wala kasi mudo P- – – !!!! Parang di ka pinoy. Bigyan ng leksyon yan. Kahit sabihin mo sarili mo version national anthem pa rin kinanta mo 😈😈😈😈 parang wala kang pinang aralan talo pa sayo elementary lang, it’s so sad pati sariling atin di na ginalang. Adik ka yata eh parang triping mo gago kainis ka grrrrr. Nakamaiyak. 😖😖😖. Bastos,” sabi ni R. Sampson.

“kaya dami nalang kaguluhan sa bansa natin kasi kayo mga pasaway kayo,ang daming nag buwis ng buhay para lang makamtan ang kalayaan ng bansa natin,at ang kantang yan ang simbolo ng kalayaan, para itayo ang bandila ng pilipinas,tapos babastosin mo lang dapat sa taon ito ikulong eh,alam nila bawal yan dba?” sabi ni M. Mengullo.

Habang ang ibang taga-suporta ng Youtuber ay todo depensa sa kanilang iniidolo. Ayon sa kanila, 3 buwan na daw ang naturang video at humingi na raw ng paumanhin ang Vlogger.

“that video of bretman was 3 months ago. In fact, he realized his mistakes and deleted it immediately then he apologized. Learn to verify information. I hope y’all consider that,” sabi ni A. Dumaguin

Hindi naman tinatanggap ng ilang kababayan natin ang palusot ng mga tagahanga ni Bretman Rock.

“Kaelangan sya managot. Khit na 3month na ang vedio na Yan. Ako nga Mata da na Khit minsan di ako gumawa NG pangbabastos sa ating watawat… Alam MO b Kong ganu ka emportante ang watawat Lalo na mangibang bansa tayu? Mahal na pangulo bigyan MO NG magtanda ang mga Gaya nyan,” sabi ni A. Dondriano

Source: Raffy Tulfo Fanpage | Ely Slayy

Leave a Reply

Theme by Anders Norén