Local News

Panoorin: ‘Magandang Programa sa Mahihirap, Kinokontra!’ Pacquiao, Binanatan si Lagman!

Kamakailan lang ay nag-privilege speech si Senator Bong Go para depensahan ang Malasakit Centers mula sa pamumuna ni Albay Congressman Edcel Lagman at ipinaliwanag kung anu-ano ang ginagawa ng mga naturang health centers.

“Congressman Lagman, do not be anti-poor. Ang pera ng tao ay dapat lang ibalik sa mga tao. Mahiya kayo sa constituents ninyo. Mahiya kayo sa milyong-milyong Pilipinong naututlungan ng programang ito… Naturingan pa man din siyang public servant pero hindi niya pinag-aaralan ng mabuti ang sinasabi niya. Hindi man niya naisip na isa ang kanyang probinsiya sa kauna-unahang nakinabang sa programang ito ng gobyerno,” banat ni Go kay Lagman.

Magugunita na sinita ni Lagman ang Malasakit Centers sa congressional hearing para sa budget ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“I think there should be a legal basis for you to fund these Malasakit Centers and I would suppose that there is a need for you to investigate and validate the effectivity of these Malasakit Centers… Kindly make a thorough validation and investigation of the operations of these Malasakit Centers because it is like a political partisan activity,” boladas ni Lagman.

Kahapon ay naglabas na rin ng sama ng loob si Senador Manny Pacquiao sa tila parating pagkontra diumano ni Lagman sa mga magagandang programa ng pamahalaan para sa mga mahihirap.

“‘Yung mga politiko na kumokontra parati sa magandang advocacy, sa mga magandang programa para sa mahihirap, tumigil na kayo sa pagse-serbisyo. Wala kayong kuwenta sa taumbayan. Specially itong si Lagman. Laging kumonkontra iyan sa mga programang magaganda. Maka-testify talaga ako niya na kumokontra siya. Hindi ko alam kung against siya sa mahihirap o para lang siya sumikat sa pagkontra sa gobyerno,” buwelta ni Pacquiao

Sa kanyang talumpati, sinabi din ni Pacquiao ang kanyang pinanggalingang kahirapan kung kaya nasasaktan siya pag ang programa na para sa mahihirap ay hinaharang ng mga politiko.

“Nasasaktan ako pag binabatikos ang programa na para sa mahirap dahil diyan ako galing sa pagiging mahirap,” dagdag pa ni Pacquiao.

Source: News5 | Senator Bong Go – The President’s Man

Leave a Reply

Theme by Anders Norén