Local News

Panoorin: Malacañang, Nagsalita na sa Pagpanaw ni NBA Legend Kobe Bryant!

Kaninang madaling araw ay pumutok ang balita ng pagpanaw ng isa sa pinakatanyag na basketball player na naglaro sa National Basketball Association (NBA) na si Kobe Bryant. Nasawi si Bryant, ang dalagitang anak nito at iba pa sa isang helicopter crash sa Calabasas, California. Sasamahan dapat ni Bryant ang anak nito sa isang laro upang i-coach.

Naglabas naman agad ang Palasyo ng Malacañang ng pakikiramay sa mga naiwan ni Bryant.

“On the death of Kobe Bryant The Office of the President is saddened after learning about the tragic news of the death of NBA superstar and legend, Kobe Bryant, and his daughter, who were killed in a helicopter crash.” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Kinilala din ng Malacañang palagiang pagbisita ni Bryant sa Pilipinas at kung gaano ito kamahal ng mga Pilipino.

“Mr. Bryant was a frequent visitor in the Philippines. He was well-loved by his Filipino fans. On the hard court, he was a sight to behold with his dexterity and accuracy in sinking that ball in the ring. He was a master of his craft. The basketball world has lost one of its legendary greats.” ani Panelo.

“The Palace extends its deepest condolences to the family, friends, colleagues, loved ones and fans around the globe who Kobe left behind. We share in their grief.” dagdag pa ni Secretary Panelo.

Si Bryant ay pumanaw sa edad na 41-anyos. Huling naglaro si Bryant sa NBA noong 2016 para sa koponan na Los Angeles Lakers. Si Bryant ay ilang beses na rin nagpunta sa atin bansa para magbigay ng inspirasyon at magturo ng basketball sa mga gustong matuto. Ang pinakahuling bisita ni Bryant sa Pilipinas ay noong 2016.

Source: Presidential Spokesperson | Presidential Communications

Leave a Reply

Theme by Anders Norén