Local News

Panoorin: Manila Underpass, Binaboy ng mga Aktibista Matapos Linisin ni Mayor Isko!

Ilang araw matapos linisin ng pamahalaan lungsod ng Maynila ang underpass malapit sa Manila City Hall ay namataan na naman ito na mayroong bandalismo.

Sa video na ibinahagi ng Youtuber na si ‘It’s Me Charlie’, makikita ang underpass na isinasailaim sa rehabilitasyon na mayroon na namang mga nakasulat sa pader.

Ilan sa mga bandalismo sa dingding ng underpass ay ang mga karaniwang katagang ginagamit ng mga aktibista. Tulad ng “Digmang Bayan Sagot sa Martial Law”, “Atin ang Pinas! US-CHINA, LAYAS!” at “Presyo, Ibaba! Sahod, Itaas!”.

“Today po is November 11, Monday. And time-check muna tayo, it is around 12:47 na po ng hapon. Narito tayo ngayon sa Manila City Hall underpass. Sa mga nakita ko dito, marami na pong nagbago. Nag-vlog ko na ito dati. But right now, nakita ko na inaayos nila ang mga tiles at pinapalitan nila. May nakita rin po akong nagva-vandal sa loob. Ang daming nakasulat, which is nakakalungkot…’Yung mga gumawa niyang i-stop niyo na. Hindi kayo nakakatulong,” sabi ng vlogger.

Ito po ang litrato at video na kuha ng Youtuber sa underpass nito lang Nobyembre 11.

Narito po ang ilan sa mga komento at reaksyon sa video ng vlogger.

“Ano naman kinalalaman ng martial law at presyo sa pagpapaganda ng manila..Sayang naman hirap at pagod ng mga nagsasa ayos dyan..Huwag naman ganyan…,” sabi ni E. De Vera.

“Bakit dinadaan ng mga taong magawang magaling pinapatulan nila sa pader idaan reklamo nya ala ba cyang utak humarap cya ky yorme para masabi nya problema nila sayang naman pinag aralan nyo masgusto pa nila walang pagbabago,” sabi ni M. Susmerano.

“binayaran ang taong gumawa nyan.. walang maglalakas loob na gumawa ng ganyan ng hindi nabayaran.. ang nag Utos dyan ayaw ng pag babago.. ang nag Utos dyan ang kumakalaban sa gobyerno.. walang UTAK ang gumawa at nagpagawa nyan,” sabi ni A. Dapat.

Source: It’s Me Charlie | Mayor Isko Moreno Domagoso

Leave a Reply

Theme by Anders Norén