Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: MAPEH Teacher, Pinagsasampal ng Malutong ang mga Estudyante! Sapul sa Video!

Sobrang sama ng loob ng mga magulang nang malaman nila ang pang-aabusong dinanas ng kanilang mga anak mula sa Music, Arts, Physical Education, and Health (MAPEH) Teacher at CAT Commandant na si Mr. Jom Borja.

Sa video na kuha ng isa sa mga estudyante, maririnig ang malulutong na sampal na pinakawalan ng guro laban sa mga estudyante niya. Nangyari ang insidente sa Pedro E. Diaz Highschool sa Muntinlupa.

Kwento ng magulang, ngumiti lang daw yung mga bata pero biglang na lang daw pinatikim agad ang mga ito ng sampal. Maraming beses na rin daw ginagawa ito ng guro sa mga bata.

“Ngumiti lang. Palibahasa mga bata, pag ngumiti ang isa, nagtawananlang. Ang sabi ni Sir Jom, ‘pinagtatawanan niyo ba ako?’. Hindi lang daw iyon ang araw na sinampal siya, pang-lima na po iyon na ginagawa sa kanya,” sabi ng ina ng isa sa mga biktima ng guro.

Base sa kwentong ni Jay, ama ng isang mag-aaral, dumating daw sa punto na ayaw nang pumasok ng kanyang anak dahil sa pang-aabuso ng titser. Kinuha din daw ng guro ang cellphone ng anak nito atsaka ibinalik matapos ang 3 linggo.

“Mayroong time na ayaw niya nang pumasok. Tatanungin ko, ‘May problema ka ba sa school?’. Kaming mga magulang at mag-aaral ang nag-iingat sa pangalan ng school. Pero ‘yung guro, iningatan niya ba ang pangalan ng school sa ginawa niyang pananampal?” pahayag ni Jay.

Ang ginawang kabalbalan ng guro ay inilapit na ng mga magulang sa principal ng naturang paaralan. Ayon sa ulat, sinibak na si Borja sa pagiging MAPEH teacher at CAT Commandant. Inilapit na rin daw ng pamunuan ng eskwelahan ang insidente sa Department of Education (DepEd). Tumanggi naman si Borja na magbigay ng pahayag at sinabi na mayroon daw siyang sakit.

Kung kayo ang tatanungin, ano ang dapat na parusa sa ganitong klase ng guro?

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén