Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Marami sa inyo Mandaraya” Mayor Isko, Binanatan ang Jeepney Drivers!

Isang matinding mensahe ang pinakawalan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga tiwaling jeepney drivers na nagka-cutting trip sa kanyang lungsod.

“Ano pang gusto ninyo? Buong Maynila may cutting-trip? Kayo ang mandaraya. Mayayabang kayo,” buwelta ni Mayor Isko.

Binanatan din ni Mayor Isko ang panay na pagrereklamo ng ilang jeepney drivers mula sa pagtaas ng presyo ng piyesa ng sasakyan hanggang sa gasolina.

“Kung makapag-complain kayo sa gobyerno wagas. Kung makapag-complain kayo sa pagtaas ng gasolina wagas. Lahat ng reklamo sa mundo, magkapag-reklamo kayo wagas. Eh lahat naman ‘yun china-charge niyo sa pasahero. Eh wagas din pala kayo eh. Mandaraya kayo,” ani pa ni Mayor Isko.

“Nagbayad ng buo, bakit ang biyahe ay kalahati? Anong ugali ang mayroon kayo? Tapos magagalit kayo sa enforcer kapag nasa ilalim ng puno kasi nagtatago. Aba! Bakit? Kailangan ba naka-display ang enforcer para sumunod kayo? Oh susunod kayo may enforcer man o wala?” dagdag pa ng punong lungsod.

Hindi rin pinalampas ni Mayor Isko ang ginawang pagwewelga ng ilang grupo ng jeepney drivers para tutulan ang jeep modernization program ng pamahalaan.

“Kayo na-aapi ng gobyerno dahil sa modernisasyon. Hindi niyo kaya? Hindi… Tapos mangba-black-mail pa kayo ng taumbayan. Magwe-welga kayo? Ang yayabang niyo. Para kayong api? Eh kayo ang mapang-api. Inaapi ninyo ‘yung pasahero eh. Tanong. Mahirap kayo? Eh mahirap din ang sumasakay sa jeep. Kung mayaman ang mga ‘yun, bumili na ng kotse ‘yun,”resbak pa ni Mayor Isko sa mga tiwaling jeepney drivers.

Binunyag din ni Mayor Isko na gumawa na ng hakbang ang lungsod ng Maynila aban sa mga tiwaling drivers.

“Patuloy kayong nanloloko ng pasahero. Maliwanag sa mata namin na hindi kayo makukuha sa diplomasya. Maliwanag na sa kaisipan namin na hindi na kayo makukuha sa pakiusapan. Maliwanag sa amin mga puso na kayo ay sagad na sa kawalanghiyaan dahil nakasanayaan niyo na… O ngayon lahat ng lalabag sa cutting-trip. Ito ang mangyayari sa inyo. Today, we filed a case against you before the LTFRB to cancel your franchise,” rebelasyon ni Mayor Isko.

Source: Isko Domagoso via FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén