Local News

Panoorin! Martial Arts Instructor, Sinipa ng Matindi sa Mukha ang Kaniyang Estudyante!

Source: Jason Vergara

Inalmahan ng ilang netizens ang ginawa ng isang Mixed Martial Arts (MMA) Instructor sa kanyang estudyante.

Sa Facebook post ni MMA professional na si Jason Vergara, pinangalanan nito ang instructor na si Nick Primavera. Puna ni Vergara tila inapi ng instructor ang estudyante nito.

Walang suot na gloves si Primavera habang ang estudyante nito ay mayroon.

Kalaunan ay bigla na lang nagpakawala ng sipa ang instructor sa kanyang estudyante na napangiti pa. Pero hindi natapos doon ang birada ng instructor sa kaniyang estudyante dahil sinundan niya ng tadyak sa mukha ang estudyante dahilan para bumagsak ito.

Para kay Vergara, mali ang ginawa ng instructor sa estudyante nito dahil hindi pa husto ang kaalaman nito sa martial arts.

“Kunsintidor pa mga kasama mo. Dapat sayo mawalan ng trabaho?! Wag mo gamitin kaalam mo sa muaythai para sa pambubully mo!” ani Vergara.

“Linawin ko lang po madami galit sakin dito hndi ko entensyon na mag pakisat sa post nato kaya ko pinost mga ma’am/sir para matuto sya at maturuan ng leksyon hndi porket may alam sya gagamitan nya sa pambubully nya, nagulat at nasaktan lang po ako sa napanood ko sa tingin nyo ba tama yon. Sorry po mga galit jan sakin,” dagdag ni Vergara.

Pumalo na sa 20,000 ang nagbahagi ng post ni Vergara.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén