Local News

Panoorin: Mas Kaya ni Leni na Sugpuin ang Droga kumpara kay Duterte – Hontiveros

Para kay opposition senator Risa Hontiveros, mas kakayanin daw ni Vice President Leni Robredo na masolusyunan ang problema sa droga sa bansa kaysa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Siya (Duterte) lang naman nangako ng 6 months diba? So the more time given to VP Leni to address in fact any of our societal problems, I think she’ll do a much better job,” patutsada ni Hontiveros.

Magugunita na inalok ni Pangulong Duterte si Leni na maging drug czar at pangunahan ang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot matapos sabihin ng bise presidente sa foreign press na Reuter na palpak ang drug war ng gobyerno at dapat nang itigil ito.

“The opposition, they always hanker to sasakyan nilang… kagaya ni Robredo. Sige lang siya human rights-human rights. As a matter of fact ,I am sending a letter to her through Secretary Medialdea,… I am sending a letter to her through ES Medialdea. I will surrender my powers to enforce the law, ibigay ko sa Vice President. Ibigay ko sa kanya mga six months. Siya ang magdala. Tingnan natin kung ano ang mangyari. Hindi ako makialam. Sige, gusto mo? Mas bright ka? Sige. Ikaw. Subukan mo. Madali kasi mag.. I’ve been 21 mayors, hindi mo na ako maloko nang ganoon,” ani Duterte.

Ang pahayag ni Hontiveros ay kontra sa mga sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino. Para kay PDEA Chief Aquino, walang karanasan si Leni sa pagsugpong ipinagbabawal na gamot.

“If you ask me, she will fail… The vice president doesn’t have that. Wala syang kaalaman sa illegal na droga,” banat ng hepe ng PDEA.

Binida naman ni PDEA Chief Aquino ang mga nagawa ni Pangulng Duterte para labanan ang droga sa Davao noong nagsisilbi pa ito bilang alkalde ng lungsod.

“When I was assigned in Davao for 22 years, nagsimula na si Presidente. Piskal pa lang sya, puro drugs ang kaso nya. He cleaned Davao City during that time and makikita mo ang kanyang experience on how to clean and make drug cleared Davao,” dagdagpa ni PDEA Chief Aquno.

Source: ABS-CBN | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén