Local News

Noynoy, Nakibanat na rin sa SEA Games Cauldron!

Itong mga nakalipas na araw ay nabaling ang atensyon ng publiko sa P50 million na South East Asian (SEA) Games matapos itong batikusin ni opposition seantor Frank Drilon dahil daw sa halagang inilaan para dito.

Kahapon ay nagsalita na rin si dating Presidente Noynoy Aquino sa isyung inungkat ni Drilon. Para kay Aquino, mas mura daw dapat ang ipinaggawa ng gobyerno dahil hindi naman daw ito gagamitin ng matagalan.

“Ang prioridad ‘yata hindi itong [SEA] Games na ilang linggo [lang]. Baka mas prioridad ‘yung pinag-aral natin ‘yung mga bata… Ako sang-ayon ako sa sinabi ni Senator Drilon, pwede tayong maglagay ng ganyang simbolo para dun sa [SEA] Games na hindi naman ganun kamahal,” sabi ni Noynoy.

Rumesbak naman si House Speaker Alan Peter Cayetano sa naging pahayag ni Noynoy at ipinaalal ng kongresista kung magkano ang ginastos ni pamahalaan ni Aquino sa 2015 APEC Summit sa Pilipinas.

“Ilan ba ang dapat nagawang classroom kung hindi natin hinost ang APEC? 10,000 classrooms. Tapos sasabihin nila simbolo ng SEA Games, simbolo ng ating mga atleta, fighting spirit of the Filipino ay P50 million? Titirahin nila?… Sa bibig mismo ni Sen. Drilon nanggaling, hindi ito overpriced. Walang nagsasabi na it’s excessive or overpriced. Edi ano ang issue? Namamahalan kayo sa P50 million pero sa P10 billion okay lang sa inyo?,” buwelta ni Cayetano.

Nagsalita na sa isyu si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dinepensahan ang nasabing cauldron sa mga bumabatikos.

“You know, there can never be corruption in that situation because you commissioned a national artist. Sinong pangalan niya? O ito si Ma — si Mañosa was commissioned by the government to create ‘yung nakita mo ‘yung kaldero ngayon. It is a product of the mind. You cannot estimate how much nalugi ka because it is the rendition of the mind of the creator… It is the rendition of the request of government for this national artist to build. Siya lang ang nakaalam kung ilang presyo niya. How much did we pay? Five — five million? Forty-five? Well, that’s about it,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News | Philstar | PCOO

Leave a Reply