Local News

Panoorin: May-ari ng Bahay, Dinukot ng 15 Armadong Kawatan! Tahanan ng Biktima, Ninakawan pa!

Source: GMA News

Nahagip sa CCTV ang ginawang pagdampot ng 15 armadong salarin kay Don Chiyuto sa mismong bahay niya sa Las Piñas.

Hindi pa raw nakuntento ang mga kawatan at pinagnakawan pa raw ang bahay ng biktima.

Naniniwala ang mga kapammilya ng biktima na ang kaibigan ng biktima na si Maverick Zapitanan ang may pakana ng krimen. Ito daw kasi ang nagbukas ng gate dahilan para makapasok ang mga salarin.

Naniniwala ang mga otoridad na may kinalaman sa negosyo at pera ang nangyaring padurukot kay Chiyuto.

Kalaunan ay nahuli ang ilang miyembro ng grupong dumukot kay Chiyuto, kabilang si Maverick.

Nag-alok na rin ng pabuya ang kaanak ng biktima para sa mga makakapagbigay alam sa kanilang kapamilya.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén