Local News

Panoorin: “May kalalagyan ka kung Pumasok ka sa CR na Nandoon ang Anak ko” – Filipino to Diez

Isang kababayan natin ang naglabas ng opinyon kontra sa napapanahong usapin ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill at sa transgender na si Gretchen Diez.

Magugunita na naging laman ng balita ang transgender na si Diez matapos na kumalat ang viral video nito na kung saan pinagbabawalan siya ng janitress na gumamit ng palikuran na pambabae. Ayon sa ilang ulat ng mainstream media, “na-discriminate” umano si Diez dahil sa naturang insidente.

Pero iba ang opinyon ng kababayan natin na si Vincent Vicencio. Nagbigay din ito nag matinding babala kay Diez.

“Unang-una sa lahat, kung nandoon ang aking anak at asawa tapos pumasok ka, may kalalagyan ka na. This is not a discrimination against the LGBT community. It is in our law at nasa batas naman na ang paglalake ay sa CR ng lalki at babae ay sa CR ng babae,” reabsk ni Vicencio kay Diez.

Hindi rin pabor si Vicencio sa sinusulong ni Diez na SOGIE bill. Ayon sa kababayan natin, satanic at demonic ang naturang panukalang batas. Pabor lang din daw ang naturang bill para sa mga miyembro ng lesbian, gay, bisexual, and transgender (LGBT) community.

“Tinatawag nila itong anti-discrimination law. But the truth is, this is only in favor to protect the LGBT community. This is anti-discrimination in just one group of people. But this will be discriminatory to the majority of the Filipino. Tayo pa ba ay maglolokohan pa? Ang SOGIE bill pagbabawalan ang mga religious organizations na mangaral ng salita ng Panginoon. Hindi mo na pwede i-share ang gospel itong LGBTQ. Dahil pag nagsalita ka ng salita ng Panginoon sa kanila, pwede kang idemanda,” banat pa ni Vicencio.

Hindi rin pinalagpas ni Viencio ang senadora na nagsusulong sa SOGIE bill. Para kay Vicencio, wala dapat sa senado si Risa Hontiveros.

Source: Vincent Vicencio

Leave a Reply

Theme by Anders Norén