Local News

Panoorin: May Karapatan si Leni sa Confidential Information, Banat ni Lacson!

Para kay Senator Panfilo “Ping” Lacson, may karapatan daw na malaman ni Vice President Leni Robredo ang mga classified information sa anti-drug campaign.

Kung ayaw daw ng Duterte Administration na ibahagi ang impormasyon kay RObredo, mas mabuti na lang daw na alisin si Robredo sa posisyon nito.

“Nandiyan ka sa position and the appointing authority does not trust you. Katunayan, one reason for kicking out a president appointee is lost of confidence di ba? Dinecalre na ‘wala akong tiwala sa iyo’, ine-expect nating kasunod noon ay ‘umalis ka na diyan’. Ikaw ba? ‘Yung may asawa, nawalan kayo ng tiwala sa asawa niyo, gusto niyo nadiyan pa rinsa tabi niyo,” hirit ni Lacson.

Magugunita na sa isang talumpati, binanatan ni Pangulong Duterte si Robredo dahil sa pakikipagpulong sa ilang opisyal ng United Nations at ng United States Embassy at paghingi nito ng classified documents.

“Ang problema kasi dito ganito. I cannot trust her not bec — not only because — not only ha — so ‘pag nag — not only because she is with the opposition. I do not trust her because I do not know her.

Hindi ko alam kung sino ang kausap niya noon, kung sinong mga politiko, kung sinong mga tao, probably… You know one of the biggest ah — one — the biggest actually of a drug manufacturing apparatus was in Bicol, sa Naga. But not ano I’m sure but in Bicol.

So hindi ko alam politiko siya hindi ko alam kung sinong kausap niya. Maybe sabihin mo that her being president qualifies her to be — of course not. I disagree with that statement that just because she is a vice president, she has already a clearance by virtue of the fact that she is the vice president. No sir, I disagree with you. That cannot happen.

As a matter of fact, the military has to know and the police has to know where of you — you started and where you came from. Hindi na lang basta na — naging o na-vice president ka… Eh delikado ‘yan kasi may mga tao rin ang gobyerno sa loob including ang mga military. Have you heard of deep penetration agents? Well okay. We are a republic. We are practicing good practices to safeguard the country. And so I cannot jeopardize those things.” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén