Local News

Panoorin: May Kasalanan din si Drilon sa Aberya sa SEA Games dahil sa Budget Delay!

Para kay 1PACMAN Party-list Rep. Mikee Romero isa sa mga dahilan kung bakit nagkaproblema ang 30th Southeast Asian (SEA) Games ay dahil sa pagkaantala ng pondo. Maari din daw sisihin si Senator Franklin Drilon sa nangyari dahil natengga ang budget sa panig ng Senado.

“Unfortunately the Senate had a lot of problems and na-delay ng 5 to 6 months yung budget. Lahat ‘to was caused by that delay. Sen. Drilon is also partly to blame probably because the delay was caused on their side, not on the House side,” sabi ni Congressman Romero.

Hindi daw magkakaroon ng aberya sa SEA Games kung ang budget ay inaprubahan agad.

“If they have approved it and the budget was already available last January, all these mishaps might not have happened,” dagdag pa ni Congressman Romero.

Umalma naman si Drilon sa naging pahayag ni Congressman Romero. Ayon sa senador, insulto at walang basehan daw ang naging komento ni Congressman Romero.

“This is an insult to the leadership of the Senate… Mr. Romero should refrain from issuing irresponsible and baseless statements,” angal ni Drilon.

Magugunita na binatikos ni Senador Drilon ang P50 million cauldron na gagamitin sa SEA Games. Ayon sa mambabatas mula sa oposisyon tila labis na paggastos ang nangyari para sa isang “kaldero”.

Sa isang pahayag nilinaw ni Bases Conversion and Development Authority President (BCDA) Vince Dizon na ang karamihan sa bulto ng pondo ay napunta sa flaming mechanism sa ilalim ng cauldron. Ito raw ay para sa seguridad ng mga manonood at atletang lalahok sa palaro.

“The flaming mechanism must be underground and must far away to avoid any accidents. I think that was the most expensive part… But like what I said. the cauldron is a symbol. It is a tribute and monument to the sport and to our athletes, “ paliwanag ni Dizon.

Source: ABS-CBN | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén