Local News

Panoorin: Mayor Isko, Maluha-luha sa Galit dahil sa Ginawa ng Leftist Lawyer!

Hindi pinalampas ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pambabatikos ng makakaliwang abogada sa kayang personal na donasyon sa Batangas.

Magugunita na ilan sa mga ginagawa ni Mayor Isko upang makatulong sa mga Pilipino ay ang pagtanggap ng mga endorsement projects at ang kinikita niya dito ay ibinibigay sa mga nangangailangan.

Sa video ng Manila Public Information Office, pinangalanan ni Mayor Isko ang abogada na si Fahima Tajar. Hindi nagustuhan ni Mayor Isko ang pag-iisip nito ng masama sa intensyon niya na makatulong sa kapwa.

Sa social media post ni Tajar ay binabanatan nito si Mayor Isko tungkol sa pagtanggap ng mga endorsement projects at mukhang pinaghuhugutan ng abogada ang pananaway ni Mayor Isko sa isang leftist group na nambaboy ng underpass sa Maynila.

“Vandalism. 🙄 Lakas maka-invoke na sumunod sa batas eh s’ya yung lumalabag. Kapag ikaw, okay lang?

For elective local government officials, Section 90 of RA 7160 (Local Government Code) governs:

“Vandalism. 🙄 Lakas maka-invoke na sumunod sa batas eh s’ya yung lumalabag. Kapag ikaw, okay lang?

SEC. 90. Practice of Profession.

(a) All governors, city and municipal mayors are prohibited from practicing their profession or engaging in ANY OCCUPATION other than the exercise of their functions as local chief executives.

Anong mahirap intindihin sa ANY OCCUPATION?” boladas ni Tajar

Binuweltahan ni Mayor Isko ang batikos ni Tajar at pinamukha sa abogada ang kamalian ng hanay nito.

“Nagagalit kayo, pinagalitan ko kayo dahil piniturahan niyo ang pader dito. EH hiningi ko lang iyon. Oh ngayon sasama ang loob ninyo dahil nagkaroon ng gobyerno na nagsasa-ayos. Sumasama ang loob ninyo at naghahanap kayo ng butas,” resbak ni Mayor Isko.

“Dahil minsan kong hinuli ang mga kasamaan mo? Dahil baluktot ang pangangatwiran ninyo. Kaya walang nagkakagusto na sa inyo eh. Kaya nasusuklam na ang mga tao,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Source: Manila Public Information Office | Fajima Tajar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén