Local News

Panoorin: Mayor Isko, Nagpasalamat kay PDU30 dahil sa Pasig River Ferry Service!

“The probability of accident is less,”

Pinasalamatan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ang mga departamento nito dahil sa muling pagsasabuhay ng Pasig River Ferry Service.

Ayon sa alkalde ng Maynila, malaking tulong daw ang nasabing proyekto at lubos silang makikipagtulungan upang maging matagumpay ito.

“Ang linis. Ang laking bagay. Imagine niyo pwede itong maging highway. Tapos sigurado ako dito ay walang cutting trip dahil pag nag cutting trip ihuhulog ka sa ilog eh. Oh eh hindi pepwede,” sabi ni Mayor Isko.

Ibinida ng Punong Lungsod ang maginhawang pagbiyahe sa pamamagitan ng ilog. Ayon kay Mayor Isko, walang traffic na masasagupa ang mga mananakay kung gagamitin ang Pasig River Ferry Service.

Napuna ni Mayor Isko ang mangilan-ngilang amoy sa ilog pero ayon sa Alkalde ay hindi daw ito maiiwasan dahil matagal na napabayaan ang Pasig River. Pero ngayon ay may ginagawa na ang gobyerno ukol dito.

“Well, Thank you President Duterte. THank you MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) and DOTr (Department of Transportation)… Ang laking bagay nito. Basta kami ay makikipagtulungan. Lalo na ito sa mga estudyante, sa mga trabahante. Tignan niyo, walang traffic,” sabi pa ng Punong Lungsod ng Maynila.

Mayroong 11 istasyona ng ferry service at magsisilbi ito mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Mula Lunes hanggang Biyernes.

“The Pasig River ferry service has been an alternative mode of transport to Metro Manila commuters who want to avoid traveling the busy streets of Metro Manila. They can enjoy ferry rides between Pasig City and Manila City, for free until the end of January,” paliwanag ni MMDA chief Danilo Lim.

Iaalok ng libre ang Pasig River Ferry Service sa publiko mula Disyembre 9 hanggang Enero 31 sa susunod na taon. Pinag-aaralan naman ng mga transport officials kung maaaring gawing libre ito hanggang sa huling araw ni Pangulong Duterte sa pwesto nito.

Source: Mayor Isko Moreno

Leave a Reply

Theme by Anders Norén