Local News

Panoorin: Mayor Isko, Nagsalita na sa Isyu ng Lalaki Sumabit sa Jeep at Nang-Atake ng Pasahero sa Maynila!

Kumalat ngayong umaga ang video kung saan makikita ang isang lalaki na nakasabit sa gilid ng jeep. Sa naturang video, makikita ang lalaki na may hinahatak at sinusuntok sa loob ng jeepney.

Naganap ang insidente mga 6:30 ng umaga sa United Nation Avenue sa Lungsoid ng Maynila. Ang video ay galing sa isang concerned citizen at nailathala sa social media account ng Daily Tribune.

Sa isang live Facebook video pinagsalita ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga sangkot sa insidente. Nilinaw ng lalaking nakitang nakasabit sa gilid ng jeep na tinulungan lang daw niya ang kaibigan upang mahuli ang lalaking nanghipo sa asawa nito.

Pinayuhan naman ni Mayor Isko ang lalaki na huwag ilalagay sa kamay ang batas.

“So maliwanag na hindi ito nakawan, hindi ito snatching or hindi ito holdaping. Ito ay personal na alitan lamang… Pictures speaks a thousand words, more so with videos. Alam mo Jomar at Edison, mayroon akong pasintabi para na rin sa kayusan ninyo at kapanatagan ng lahat. Huwag ninyong ilalagay sa kamay ninyo ang batas… Sana muli ninyong pagtiwalaan ang pulis at pamahalaan na magbibigay ng hustisya kapag kayo ay naargabyado. Kasi ‘yung dating isosoga ka ng pamahalaan na hanapin ka dahil ang impresyon ay mali. ‘Yun ang ayaw ko na nangyayari na tsismis ang lakad ng gobyerno. Kasi sa tsismis may mapapahamak. Hindi mo masisi ang taumbayan kasi ang siyudad ng Maynila ay mayroong hindi masyadong magandang record in the past na talamak ang holdaping, snatching,” sabi ni Mayor Isko.

Nagpaliwanag din si Mayor Isko na kailangan ninya ang pakikiisa ng lahat para mapamahalaan ng maayos ang Maynila.

“Napaka-challenging ng Maynila (na pamahalaan). Kami naman thru General Balba at kanyang mga pulis, o aming mga kawani ay nagsisikap na maisaayos at mailagay sa tama ang lahat. Kaya kailangan ko ang pakikiisa ninyo,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Source: Drean Sanchez | Daily Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén