Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Mayor Isko, Sinugod ang isang Mall dahil sa Iligal na Pasugalan!

Nilusob ni Manila Mayor Franciso “Isko MOreno” Domagoso ang isang mall sa Recto, Maynila, matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong nangyayaring iligal na pasugalan sa establisimiyento at ang kadalasan daw na parokyano ng pasugalan ay ang mga bata.

Sa pag-iinspeksyon, naabutan pa na may mga mananaya sa AW Amusement Inc. sa Isetann Mall. Tinungo mismo ng alkalde ang mall matapos matanggap ng sumbong sa isang netizen laban sa palaruan.

Ayon sa Punong-Lungsod, pag-aaralan daw ng kapulisan kung mayroong pananagutan ang Isettan Recto Mall dahil pinahintulutan na magkaroon ng iligal na pasugalan sa loob ng gusali nito.

Ang naturang palaruan ay isinailalim sa surveillance at nakumpirma ang mga iligal na aktibidades noong may nagsumbong na concerned citizen, ayon kay Chief P/Major Rosalino Ibay Jr ng Special Mayors Reaction Team (SMaRT).

Agad naman nakakuha ang mga otoridad ng search warrant mula kay Presiding Judge Maria Teresa S. Abadilla ng Manila RTC Branch 45 para kina Vivian De la Llana, Raymond Ang, Ericson Ang, Ceferino Paredes, Shi Zhen Long, Chan Li Wan, Joseph Sy at Li Rong Chan. Ang lahat ng nabanggit ay mga incorporators at stockholders.

Sa nakumpiskang fruit game machine, imbes na ticket ang premyo na makukuha ng mga manlalaro, totoong pera ang lumalabas.

Mahaharap sa kasong pagpapatakbo ng illegal gambling ang mga incorporators at stockholders ng amusement shop.

Ikinatuwa naman ng ilang kababayan natin ang ginawang aksyon ni Mayor Isko laban sa iligal na aktibidades sa loob ng Isetann mall.

“Grabe c mayor imbes manuod ako movie ├»kaw na lang pnanuod ko,wala e gaganahan ka manuod pag ganito ka sipag ang mayor,” sabi ni J. Siason.

“Dati papasok palang ng maynila masasabi mo na anak ng bakang ang dumi ng maynila. Good job mayor. Godbless you and your family,” sabi ni G. Ventura.

“I admire this kind of government official ..a very workaholic meyor..God bless you yorme.,” sabi ni R. Clar.

Source: Remate | Isko Domagoso

Leave a Reply

Theme by Anders Norén