Local News

Panoorin: Mayor Isko, Sinugod at Personal na Pinasara ang Isetann Mall!

Ipinasara na ngayong araw ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Isetann Mall sa Recto, Maynila dahil sa paglabag sa ordinansa ng lungsod at misrepresenting applications for permits.

“You got our attention. Sinabihan kayo, napansin kayo. Pabibo kayo eh… Can you imagine, a simple problem. Lumabas tuloy ang mga kalansay sa baul… Simple compliance issue. Ito tuloy ang nangyari sa kanila,” sabi ni Mayor Isko.

Ilang beses nang nakuha ng naturang mall ang atensyon ng Punong Lungsod. Mula sa iligal na gambling center hanggang sa mga stall sa loob ng mall na diumano’y nagbebenta ng mga segunda-manong cellphone na galing sa nakaw. Ngayon naman ay natuklasan na wala daw business permit ang naturang establisimiyento.

Sa isang hiwalay na panayam, ikinuwento ni Mayor Isko ang nangyari sa isang estudyanteng nabiktima ng pagnanakaw.

“Mayroon na naman kaming isang biktima… nag aaral sa Morayta na na-agawan ng cellphone. Then, ‘yung estudyante naka Find My iPhone, so na-track nya (yung cellphone niya), sa Isetann Recto na naman… Alam nyo sabi ng tiga mall sa kanya? ‘Wag ka na mag-complain… Imbis na ipasara (ng mall yung vendor nila), kinakalong pa,” sabi ng Punong Lungsod.

Ayon sa alkalde, misdeclaration daw ng permit ang isa sa mga paglabag ng mall.

“May misdeclaration. Sabi nila ang 1,000 square meters lang daw ang Isetann Recto shopping mall. Sampu lang daw ang empleyado nila… In the same manner, they’re not only shopping mall. They’re also a lessor. ibig sabihi, nagpapaupa sila ng pwesto. ‘Yung kanilang lessor business ay walang permit,” pagbubunyag ni Mayor Isko.

Isinapubliko din ni Mayor Isko na isa lang sa apat na sinehan sa mall ang mayroong mga kaukulang permits.

“Nakakalungkot isipin na ‘yung mga maliliit na nagpapaupa, nagbabayad ng buwis. Itong malalaking naturingang mall, hindi marunong magbayad ng buwis,” pagsisiwalat pa ng Alkalde.

Kailangan daw ayusin ng naturang mall ang mga kinakailangang dokumento at buwis bago ito bibigyan ng permiso para makapag-operate muli.

“Hangga’t hindi sila nagbabayad ng kaukulang buwis at business permit, hindi sila pwedeng magbukas, until they comply with all the requirements for the issuance of permit,” banat pa ni Mayor Isko.

Source: Mayor Isko | GMA News | Manila Public Information Office

Leave a Reply

Theme by Anders Norén