Local News

Panoorin: Mayor Isko, Sumugod at Pinasara ang Bars na Nagbebenta ng Alak Malapit sa Paaralan!

Isa na naman umaatikabong live video ang napanood ng mga kababayan natin mula sa Facebook account ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nang mag-inspeksyon ito kung naipapatupad ba ng maayos ang liquor ban sa lungsod ng Maynila.

Sa isinagawang pagroronda ng pungong lungsod, hindi bababa sa anim na bars sa may Sherwood , Taft ang naipasarado ng alkalde. Ang mga bars na ito ay nasa loob ng 200-meter raidius ng De La Salle University.

Noong Hulyo 25, pinirmahan ni Mayor Isko ang executive order No. 17 na nag-aatas sa Bureau of Permits and License Office (BPLO), City Treasurer’s Office at mga estabilisimiyento na mahigpit na ipatupad ang Ordinance No. 3532 and Ordinance No. 8520. Nakapaloob sa ordinance No. 3532 ang pagbabawal sa pagbebenta ng mga inuming nakalalasing sa loob ng 200-meters radius ng mga paaralan. Habang ang Ordinance No. 8520 ay ang pagbabawal sa pagbebenta ng alak sa mga menor de edad.

“Kinakansela ko ang lahat ng lisensiya ng mga binigay na permit sa mga establishment sa pagbebenta ng alak sa 200-meter radius sa lahat ng eskwelahan sa lungsod ng Maynila,” babala ni Mayor Isko noong Hulyo 25.

Nilinaw ng alkalde na maari pa ring makapagpatuloy sa operasyon ang mga naturang negosyo basta huwag lang magbebenta ng mga alak.

Noong Hulyo 26, may isang convenient store ang binisita ni Mayor Isko para sa random inspection at nakita ng alkalde na nagbebenta pa rin ito ng alak kahit na malapit sa unibersidad. Pinaalalahanan muna ni Moreno ang manager ng naturang tindahan na ihinto na ang pagbebenta ng alak at bibigyan niya ang mga ito ng panahon para makasunod sa bagong direktiba ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

“Hindi na pwede magbenta ng alak… But it’s okay, don’t worry. This is just a random check para mabigyan kayo ng ample time to comply. You can continue doing business pero yung alak, hindi pwede kasi nasa 200 meter-range [ng school at university],” sabi ni Mayor Isko.

Source: Mayor Francisco “Isko MOreno” Domagoso | Inquirer | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén