Local News

Panoorin: Mga Bagong Bagon ng PNR, Dumating na sa Bansa!

Nagsidatingan na sa ating bansa ang mga bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR). Ang dalawang train sets na mayroong anim na bagon ay mula sa Indonesia.

Ang 6 bagon na dumating ay kasama sa unang shipment. Mayroon pang darating na 31 na bagong bagon. Nakakahalaga ang proyekto ng P3 bilyon piso. Kasama din sa ide-deliver na bagon ay ang Diesel Hydraulic Locomotive na kayang lumusong sa bahang may lalim na 16 cm, ayon sa ulat ng People’s Television.

Gagamitin ang isa sa mga train sets para sa panibagong biyahe. Ang bagong PNR terminal point ay mula Tutuban papuntang FTI railway Station.

Sa ngayon, umiikot lang ang biyahe mula Tutuban patungong Alabang at pabalik sa Tutuban. Inaabot ito ng mahigit isang oras bago makabalik. Dahil sa mga bagong bagon, inaasahan mas mabilis na makakaikot ang mga tren at mas madalas na ang biyahe.

Sa kasalukuyan, kayang magserbisyo ng PNR ng hanggang 45,000 na pasahero kada araw. Inaasahan na mapapadami ito ng hanggang 140,000 na mananakay kada araw sa taong 2020.

At kung sa ngayon ay umaabot sa 30 minuto hanggang isang oras ang agwat sa pagdating ng mga tren, sa taong 2020 ay inaasahang magiging 20 minuto na lang ito.

Ang mga lumang tren naman ay lalagyan na ng mga bagong airconditioning systems. Ang mga pagbabago sa PNR ay mararamdaman na ng mga commuters sa susunod na taon.

Narito po ang tugon at reaksyon na ilang kababayan natin tungkol sa pagdating ng mga bagong bagon ng PNR.

” o ngayon kayong mag bumabatikos lagi kay president duterte baka naman kung ano nanaman.ang gawin nyong paninira ha pwede ba tumahimik na kayo ok sasakay naman kayo dyan diba,” sabi ni E. Mojica.

“kung nagawa pa eto noong mga nakaraang admin ok na ok sana ang PNR, mabuti nalang naging presidente si Duterte – na survive niya ang PNR.,” sabi ni A. YbaƱez.

Source: PTV | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén