Local News

Panoorin: Mga Highschool Students, Pumalag sa Pambababoy ng mga Aktibista sa Pader ng kanilang Paaralan!

Tila hinahamon talaga ng leftist group ang alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ngayong araw kasi ay isinakatuparan ng leftist group na Panday Sining ang kanilang banta na mambababoy muli ng public property. Magugunita na sa isang panayam, sinabi ni Panday Sining Representative Francis Joven na uulitin nila ang ginawa nilang pambababoy sa pampublikong lugar at ikinatwiran na ang kanilang giangawa daw ay sining o art.

“Gagawin din namin ulit, may inihahanda kaming mga panibago. Ang ginagawa namin sa mga kalaban na sina Duterte, ine-expose. Ang batayan namin doon ay ang magiging dating sa mga estudyante at manggagawang dumadaan… Ang art ay literature ay ginagamit namin siya para ipanawagan ang pagkakaisa ng mamamayan at ipanawagan ang paglaban nila doon sa pinakasagad-sagaran kaaway ng sambayanan, ang Duterte Regime,” boladas ni Joven.

Kani-kanina lang ay naibalita na ang ginawang pambabalahura ng mga aktibista sa isang pader. Isinulat ng mga ito sa bakod ng Araullo High School ang katagang “Makatwiran ang maghimagsik – PS”.

Hindi naman pinalampas ng mga estudyante ng naturang paaralan ang ginawang pambababoy sa kanilang eskwelahan. Pumalag sila at sama-samang tinakpan at binura ang bandalismo na iniwan ng mga aktibista.

Sa kanyang social media accoutn ay nagpasalamat si Mayor Isko sa mga estudyante at mga guro sa ginawang pagmamalasakit para burahin ang bandalismo ng mga aktibista.

“Taos-puso pong nagpapasalamat ang mga Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagkukusa at pakikiisa ng mga mag-aaral, guro at principal ng Araullo High School na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.

Hindi man nila obligasyon ito, ngunit ikinatutuwa po naming mga taga-pamahalaan ang kanilang pagpapahalaga sa pagsisikap nating lahat na linisin at isaayos ang ating mahal na Lungsod.

Sa principal ng paaralan at sa mga guro po ng ating mga Grade 10 students na boluntaryong naglinis ng mga pader na binaboy at sinalaula: You are teaching your students very well. We are proud of you.

Muli, paulit-ulit ko pong mensahe sa inyo, buong kababaang loob po akong nakikiusap sa inyong lahat. Matagal na pong napag-iwanang dugyot ang ating mahal na Lungsod. Magkaisa at magtulungan na po tayo sa paglilinis at pagsasaayos ng kapitolyo ng bansa.

Walang magmamalasakit sa ating mga Batang Maynila kundi tayo ring kapwa Batang Maynila.

Manila, God First!” pahayag ni Mayor Isko.

Source: Manila Public Information Office | News5 | Isko Moreno Domagoso

Leave a Reply

Theme by Anders Norén