Local News

Panoorin: Mga Motorista, Nagwala nang Hanapan ng ID! Bumunot pa ng Baril ang Isa!

Sapul sa Closed-Circuit Television (CCTV) ng isang subdivision sa Las Piñas ang pagwawala ng ilang motorista na makikidaan lang sana sa lugar.

Noong Agosto 1, tinangkang dumaan ni Peter Ariola sa nasabing subdivision pero nang hingan ito ng identification card ng guwardiya ay bigla na lang itong bumunot ng baril.

Umalis at humingi agad ng back-up ang guwardiya pero hinabol pa raw ito ng suspek.

Nagpakilala pa umano si Ariola na isang opisyal sa kasundaluhan o kapulisan.

“Upon verification, hindi naman siya police or military… We are also checking if we can file a case against him for illegal possession of firearms,” sabi ni Las Piñas Chief Police Col. Simnar Gran.

Nakakulong na ngayon si Ariola at mahaharap sa kasong grave threat. Inamin naman ng suspek na siya ay nakainom at mainit ang ulo.

Noong Hulyo 27 naman ay may isang lalaking nagwala at nagpanggap na bubunot pa ng baril.

Dahil sa insidente, rumisponde agad ang mga pulis pero nagawa pa ng suspek na manduro ng mga security personnel. Dinala sa presinto ang kawatan pero ang nakakalungkot ay pinakawalan din ito kalaunan.

“He claims to be a resident but he was not able to show any [proof]. Ang pinakita niya ay isang California license because he claims to have just been from the States,” sabi ni BF Federation of Homeowner Associations, Inc Director Vern Madamba.

Binuksan ng BF Homes ang kanilang gate para makatulong maibsan ang trapiko sa kanilang lugar. Umaapela ang mga homeowners ng BF Homes na huwag naman sanang abusuhin ng motorista ang ginagawang pagtulong ng kanilang subdivision.

Basahin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawa ng mga walang-modong motorista.

“Taka lang ako. Correct me if I am wrong. Napapansin ko sa mga dekotse na mayabang, malakas ang bunganga eh malaki tiyan at may katabaan. Siguro yung utak nila nababalumbunan ng taba kaya nawawala na sa katwiran.
Kainis ng mga ganyang tao,”
sabi ni E. Banawa.

” Dami mga self entitlement. Porke may california license. Porke naka kotse. Mga walang desiplina at modo. Salute to the guards. Tama yan. Nobody is above anybody in terms of RESPECT,” sabi ni E. Cheng.

Source: ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén