Local News

Panoorin: Mga Pilipino sa Iraq, Pwersahang Papauwiin ng DU30 Govt dahil sa Missile Attack!

Matapos ang air strike ng Estados Unidos sa Iraq na ikinasawi ng Iranian Military Leader na si General Qasem Soleimani, nagpakawala naman ang Iran ng higit isang donsenang missile laban sa 2 bases kung saan mayroong mga Sundalong Amerikano.

Dahil dito, inanunsyo ng gobyerno na pwersahan ng papauwiin ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Middle East.

“Ang marching order sa amin ay mandatory repatriation… Repatriation is out of the question when there is a shooting war. We have to place them in a safe place. Hindi naman sila kailangang umuwi habang nagkakaroon ng giyera doon o digmaan. Hindi mo naman maiuuwi iyun talaga,” sabi ni Philippine Embassy in Iraq Chargé d’Affaires Jomar Sadie.

Hinihikayat naman ng pamahalaan ang mga Pilipino sa Iraq na makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas.

“We know the options and choices of our citizens abroad may change. They may choose to wait. The key is to keep in close touch with the embassy so they’re properly informed,” paliwanag naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Cacdac.

Nag-deploy na rin ng rapid response team ang PH embassies sa Middle East.

Base sa talaan ng Department of Foreign Affairs Office of the Undersecretary for Migrant Workers nitong Hunyo 2019, mayroong 4,204 na Pilipino na nasa Iraq at ang 4,000 sa mga ito ay undocumented.

Para maiuwi ang mga kababayan natin sa Iraw, balak ng pamahalaan na ipadala ang C-130 planes at mga cruise ships. Ayon naman sa Coast Guard, ang BRP Gabriela Silang ay lalayag patungong Dubai o Omar para masundo ang mga Pilipino.

Source: CNN Philippines | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén