Local News

Panoorin: Mga PUP Students, Kinuyog ang Sasakyan ng Pulis sa loob ng Eskwelahan!

Sapul sa video ang ginawang pagkuyog at pagharang ng ilang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa sasakyang gamit ng mga pulis nang pumasok ito sa campus ng naturang eskwelahan.

Maririnig sa video na isinisigaw ng mga mag-aaral ang mga katagang “Iskolar ng bayan ngayon ay lumalaban!”, “Pulis sa pamantasan palayasin!” at “No to mandatory drug testing!”.

Makikita sa footage na halos hindi na maka-abante ang sasakyan ng mga pulis dahil sa pinaggagawa ng mga estudyante.

Bashin ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa inasal ng mga estudyante.

“Maliit na pursyento ng mga student lang yan, mas madami pading matino.. Kaya mas maganda tangalan ng scholarship mga yan sayang ang pag papaaral ng gobyerno, ibigay sa nararapat at gustong makapag tapos ng ag aaral,” sabi ni G. Galimba.

“Ano kaya kinakatakot ng mga to sa mandatory drug testing…….hmmmmm galawang guilty. Ano pag kagraduate nyo? Pag nag requirements na kayo para sa trabaho? Mag pprotesta ba kayo sa mga future employer nyo na wag kayo pakuhain ng medical at drug test? Mga kamote,” sabi ni J. Santos.

“oo nga bat d tanggalan ng scholar ship na pwede namang isalin sa matitinong estudyante. sila pa ang namumuno sa kaguluhan at nakiki ayon pa sa gawaing pang terrorismo dapat magkaroon ng security ang school na yan .o kung yan ang nagigingnsanhi ng kaguluhan at walangnmagagawa ang school na yan ay dapat sibakin na ng dep ed ang mga yan. makaka impluensya lang sa ibang tao ang mga yan.,” sabi ni J. Flores.

Samantala, kahit na panay ang angal ng mga estudyante sa drug test ay hindi ito napigilan. Sa katunayan, pinuri pa ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isinagawang random drug testing sa paaralan. Sumailalim kasi sa testing ang 800 na estudyante at 200 na faculty members.

Source: UNTV Radyo La Verdad
| UNTV Radyo La Verdad
| PTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén