Local News

Panoorin: Multi-Billion Brand New Train Line, Itatayo sa DU30 Administration!

Lalong giginhawa na ang pagbiyahe ng mga kababayan natin pag naitayo na ang makabagong train line mula Tatay, Rizal hanggang N. DOmingo, Quezon City.

Target simulan ang proyekto sa susunod na taon at aabot daw ng P59.3-billion ang pondo para sa imprastruktura. Ito ay popondohan ng Asian Development Bank ang MRT-4.

Ang MRT-4 ay gagamit ng makabagong teknolohiya na Heavy Monorail system. Ang naturang teknolohiya ay ginagamit na sa China at Japan. Kaya daw nitong dumaan sa kurbada at matarik na linya. Mayroon iton 3-car trains at pwede para gawing 4-car trains.

Ang proyekto ay may panukala na 11 istasyon at may habang 15.6 kilometro. Sa unang taon daw ng operasyon nito ay inaasahang makakapagserbisyo ito sa mahigit 235,000 na pasahero kada araw. At sa pagdaan ng mga taon ay pwede pa raw umabot sa 600,000 na pasahero kada araw. Ang proyekto ay may panukala na 11 istasyon at may habang 15.6 kilometro.

“Hindi mo kailangan ng matataaas na post dito habang umaakyat ka sa Eastern Rizal,” Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Planning and Project Development Ruben Reinoso Jr.

Tiniyak din ng opisyal ng DOTr na tiyak na bibilis ang biyahe.

“Dulo’t dulo kasama na yung mga stops, siguro mga 30 minutes. Less than one hour, definitely,” dagdag pa ni Reinoso.

Magkakaroon ng connectivity ang MRT-4 sa LRT-2, MRT-3, Mega Manila Subway at sa pinaplanong MRT-10.

Tina-target na matapos ang imprastruktura sa taong 2025.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén