Local News

Panoorin: Musical Dancing Fountain ng Maynila, Pinakita na sa Publiko

“Isang Diwa. Isang Lahi. Isang Maynila,”

Ganito ang naging social media post ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ngayong araw nang ilunsad ng pamahalang lungsod ang musical dancing fountian sa Andres Bonifacio Monument.

Pinasinayanan ng Alkalde, Vice Mayor Honey Lacuna, mga konsehal at ilang opisyal ng Manila City Hall ang bagong “attraction” ng Maynila ngayong Miyerkoles ng gabi.

Dahil sa bagong musical dancing fountain ay naging makulay ang gabi sa tabi ng Manila City Hall.

Ayon sa Alkalde ng Maynila, walang nilabas na pera ang pamahalaang ng Maynila para sa pagpapagawa ng nasabing fountain. Galing umano ang pondo sa mga pribadong kumpanya na nagnanais na buhayin at pagandahin ang Kartilya ng Katipunan. Magugunita na noong pag-upo ni Isko bilang Alkalde ng Maynila ay natagpuan niya ang monumento ni Andres Bonifacio na puno ng dumi at ihi.

Ang palabas ng musical dancing fountain ay magsisimula tuwing 6:30 ng gabi hanggang 11:30 ng gabi. Kada oras ay magkakaroon ng palabas na tatagal ng 15 minuto.

Ikinatuwa ng Punong Lungsod ang kaligayahan na naidulot ng dancing fountain sa mga musmos.

“Unti-unti , unti -unti sa awa ng dios, sa tulong ninyo, muli ang Manila will be vibrant again,” sabi ni Mayor Isko.

Source: Manila Public Information Office | Mayor Isko Moreno Domagoso| Remate

Leave a Reply

Theme by Anders Norén