Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Na-Trace na ang mga Nagpakalat ng Fake News” – House Speaker Cayetano

Sa rebelasyon ni House Speaker Alan Peter Cayetano, may nakita na daw silang “digital footprints” ng mga nagpakalat ng pekeng balita laban sa Southeast Asian (SEA) Games.

“Na-trace na namin ang apat na grupo na intentionally sinasabotahe ‘yung SEA Games. So paki-usap ko lang sa grupong iyon, you know, you can hate the Duterte Administration, you can hate Alan Cayetano, but don’t hate your own country. Kaya ng mga netizens ay nagre-react kasi nahihiya sila para sa kanilang bansa. Pero kung susubuan niyo talaga ng fake news ay talagang magre-react ang mga netizens,” sabi ni House Speaker Cayetano.

Maari din daw maharap ang mga grupo sa cyber-libel kung magkakataon.

“Mayroon talagang bordering on cyber-libel. Ako, personally, I never filed any libel cases. Alam niyo iyan. Matagal ako sa house (of representative), matagal ako sa senate. I not only tolerate, I support freedom of the press, pero I don’t know ang magiging desisyon ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), kasi nga ang bansa ang sinisiraan,” ani Cayetano.

May mga lumapit na rin daw na mga media practitioners kay House Speaker Cayetano upang ipaalam sa kongresista ang ginagawang panunuhol sa hanay ng press para magkalat ng negatibong balita laban sa SEA Games.

“Some of my friends sa media approached me at sinabi, Sir, ‘umaagos ang pera, pero hindi namin tinatanggap it’s not about politics, it’s about the country’. Di ba? At kahit sa internet ay makikita mo na umaagos ang pera kasi bino-boost (ang mga social media posts),” dagdag pa ni Cayetano.

Mayroon din daw na mga nagpahapyaw sa ilang kalahok sa palaro upang magbigay ng negatibong komento sa media.

“May mga umiikot at nag-o-offer. Pati nga sa mga participants ng SEA Games na parang nagpapahiwatig sa kanila na ‘We’ll take care of you, pwede niyo bang banatan ito?’. So, it’s an operation,” rebelasyon ni Cayetano.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén