Local News

Panoorin: Nag-compute ng Good Conduct ni Ex-Mayor Sanchez, Mananagot sa Batas!

“It’s now being abused so I’m filing a reso to review and amend the law if necessary,”

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Senador Tito Sotto at naghain agad ng resolusyon upang siyasatin at i-review ang Republic Act No. 10592, ang batas na naglalayon na mapababa ang pagkakakulong ng mga presong nagpapakita ng mabuting ugali.

Umalma ang mga kababayan natin sa ibinalita ng mga mainstream media na maaring makalaya si Calauan, Laguna Ex-Mayor Antonio Sanchez, ang convicted suspect sa pagpaslang sa 2 University of the Philippines Los BaƱos students at panggagahasa pa sa isa sa 2 biktima.

Ayon kay Sotto, pwede panagutin ang mga opisyal na gumawa ng maling kalkulasyon ng good conduct ni Sanchez. Maari daw makulong, pagmultahin at hindi na muling payagang makapagtrabaho sa opisina ng gobyerno ang mapapatunayan gumawa ng maling good conduct computation ni Sanchez.

“Kapag sila ay hindi nag-comply o nagkaroon ng maling computation, they can be subjected to one year in prisonment and P100,000 fine or perpetual disqualification from office. So pati dun sa nagko-compute ng mali, mananagot pa sila. So this probably serves as a warning,” sabi ni Sotto.

Si Sanchez ay nahulian ng droga habang nakakulong noong 2006 at 2010 kaya kaduda-duda ang naging resulta ng good conduct computation ng dating alkalde.

“Tukoy na natin si Mayor Sanchez. Mayron siyang incident na nahulian ng drugs sa kubol. Although na-dismissed iyan sa korte. But as the bureau is concerned, nahulian siya sa kubol. So he violated that (good conduct time allowance – Republic Act 10592 ). sabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Nicanor Faeldon.

Para naman kay Senador Bong Go, huwag na daw hangarin ni Sanchez na lumabas ng kulungan, sa halip ay dapat na lang daw nitong pagdusahan ang mga nagawang kasalanan sa piitan. Pahayag pa ng mambabatas, baka daw umiksi pa ang buhay ng dating alkalde kung lalaya pa ito.

“Wag ka nang bumanat na makalaya pa. Ipagpatuloy mo na lang pagbayaran mga kasalanan mo dyan sa loob. Kaysa lumabas ka, baka umikli pa buhay mo,” banat ni Senador Go.

Source: PTV | GMA News | Ina Refromina

Leave a Reply

Theme by Anders Norén