Local News

Panoorin: Nagbuwis ng buhay ang Mom and Dad ko! Kris Aquino, May Banat sa mga Marcos!

Naglabas na si Kris Aquino ng isang video para sagutin ang mga isyung kaniyang kinasasangkutan.

Sa naturang tell-all video, sinabi ni Kris na wala siyang galit sa mga posibleng kandidato sa susunod na eleksyon maliban kay Bongbong Marcos.

Boladas ni Kris, sandamukal daw ang kasalanan sa kanilang ng pamilya ni Bongbong Marcos dahil na nga sa nangyari noong Martial Law at EDSA revolution.

Ikinokonekta din niya si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa pagkasawi ng kanyang tatay na si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

“Tatapusin ko to by saying, who actually benefits by erasing the legacy of my parents, sino ang nagtanggal ng freedom of speech sa Pilipinas, sino ang nagpakulong at ngpptay kay Ninoy Aquino?… “Wala akong party affliation, pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustong gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila ang ginawa nila sa dad ko” tanong ni Kris.

Giit pa ni Kris, hindi daw niya hahayaan na madungisan ang mga nagawa ng kanyang ama at ina na si dating Pangulong Cory Aquino para sa Pilipinas. Ibinida niya pa ang katapangan ng kaniyang pamilya kumpara sa mga Marcos na umalis ng bansa matapos ang EDSA 1.

“Ilang beses po kaming sinubukang ptayin, pero eto po ang diperensiya, never po kaming umalis, hindi naduwag ang nanay ko,” bolapas pa niya.

Naging emosyonal si Kris nang ikuwento niya ang pagmamahal ng kanyang ina sa kanila. Ipinanagako din niya na papalagan niya ang mga taong gustong siraan ang mga malalapit sa kanya.

“Napagod na ako, napagod na akong magpaapak,” ani Kris.

Ang video ni Kris ay humakot na ng libo libong reactions at views.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén