Local News

Panoorin: Nagpakilalang Sundalo, Nanapak sa Loob ng Bus!

Kumakalat ngayon ang social media post ng netizen na si Jessa Melody Gahallon Isip. Ibinahagi ni Isip ang komosyon na nangyari sa bus na sinasakyan niya nitong Biyernes. Ayon kay Isip, isang lalaking nagpakilalang sundalo ang sumakay ng bus at ilang sandali ay nanapak ng konduktor.

“Nanapak si Kuya na naka Blue ang sabi nya He’s a Soldier kuno. I was shocked so dali-dali ko na kinuha phone ko and took the video, wala ni isa sa mga pasahero ang naka-awat dahil akap akap ni Soldier ang konduktor at di makapiglas.
Sobrang dami ng suntok ang inabot ng konduktor sa Sundalo sa tagiliran etc,you will see it naman sa video clip.,”
sabi ni Isip.

Base sa kwento pa ni Isip, nakaganti din daw ang konduktor.

“Mas lalong nagalit yung sundalo nung naabot ng konduktor yung mukha nya. Nasuntok nya si Kuyang Sundalo napuruhan yung upper left cheek nya nasugatan sya ang pinupunasan nya yung dugo. Kaya mas lalo sya nag-init.,” kwento pa ni Isip sa kanyang Facebook post.

Ayon pa kay Isip, pinapa-usog lang daw ng konduktor ‘yung sundalo pero tinakot daw ng sundalo ‘yung konduktor.

“Too late ko na nalaman yung reason behind the suntukan nila pero i have the idea na talaga di ko lang sila jinudge agad. Maririning nyo naman sa video na tinakot pa ni Kuyang Sundalo yung Konduktor , and ang sabi ng konduktor pinapa-usog lang nya si Kuya sundalo. Pero ayaw makinig nakailang ulit sya tsaka sya sinapak sa mukha,” ani Isip.

Mapapanood sa video kung paano nagkumpulan sa likurang bahagi ng bus ang ilang pasahero para hindi madamay sa away ng kondukto at ng nagpapakilalang sundalo. Makikita rin na nagpulasan ang mga pasahero matapos ang komosyon.

“Hindi mo talaga malalaman, kung ano pwede mangyari sa araw-araw.
A lot of unexpected things is happening talaga pag nasa daan ka.
Be Safe Everyone,”
dagdag pa ni Isip.

Source: Jessa Melody Gahallon Isip | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén