Local News

Panoorin: Nakakatawang Reaksyon ni DU30 sa Galawang Chavit Video!

Sa iagurasyon ng bypass road, nagbigay ng nakakatawang reaction si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nag-viral na video ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Chavit Singson kung saan makikita itong inaantok at pumapaling sa balikat ni Miss Universe 2018 Catriona Gray pero nagising bigla nang lumingon si Gray.

“You have my deepest respect. Pero itong si Bong [Senator Bong Go] sige siya pinapapanood niya ‘yung gimmick mo doon sa…Sabi niya, ‘Tignan mo talaga si Chavit o,” sabi ni Presidente.

Biro ng Pangulo, sana ay magtagumpay si Chavit sa susunod nitong mission.

“Sabi ko, ‘Huwag mong gawin ‘yan baka hindi totoo ‘yan.’ Totoong patulog-tulog siya. We do not have that kind of opportunity to be… Ikaw ‘yon, sir, ang palagi eh. So we can only say good luck and may the next mission be accomplished,” ani Pangulo.

Nakunan ang video noong laban ni Senador Manny Pacquiao laban kay Keith Thurman habang nasa waiting room sina Chavit at Gray.

Dahil sa nangyari, humingi naman agad ng paumanhin si Chavit kay Miss Universe 2018.

“Sinabi ko naman sa kanya, sorry, tinulugan ko beauty mo. Tawa siya ng tawa. Sabi niya next time, ako naman ang matutulog para ako naman ang magtrending… Inimbitahan ko si Catriona na mag raise ng flag, sabi ko kasi mas maganda na Miss Universe ang mag raise ng flag kasi Pilipino rin siya, pumayag naman agad siya… Okay lang sa akin mga comments, naiinggit pa nga ang iba eh,” reaksyon ni Chavit sa nag-viral na video.

Basahin ang reakyon ng ilang kababayan natin sa naging biro ni Pangulong Duterte kay Chavit.

“parehong bugoy hahahahaha…kaw lang pangulo ang nakakapag biro ng ganyan kay chavit hahahaha,” sabi ni C. Villaver.

“Lolz..natawa ako dito.may the next mission be a complished,” sabi ni G. Sabado.

“Hindi talaga pumapalya sa pagpapatawa si Lord Digong😂 nanlimahid sa pawis si Chavit🤣😂,” sabi ni A. Maligaya.

Panoorin ang kaugnay na ulat patungkol sa viral video.

Source: VOVph via PTV | GMA News | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén