Local News

Panoorin: ‘Si DU30, Nalinis ang Davao sa Droga.. Si Leni, Walang Kaalaman sa Droga’ – PDEA Chief

Kung tatanungin si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino kung dapat bang hayaan si Vice President Leni Robredo na manguna sa kampanya kontra-droga ng gobyerno, negatibo ang magiging tugon nito.

Sa kanyang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni PDEA Chief Aquino na walang karanasan si Robredo sa paglaban sa ipinagbabawal na gamot at malamang ay pumalpak pa ito kung ibibigay sa kanya ang responsibilidad.

“If you ask me, she will fail… The vice president doesn’t have that. Wala syang kaalaman sa illegal na droga,” pahayag ni PDEA Chief Aquino.

Kung naging negatibo ang naging pahayag ni PDEA Chief Aquino kay Robredo tungkol sa isyu ng war on drugs. Pinatotohanan naman ni Aquino ang kakayahan ni Pangulong Duterte. Sa rebelasyon ni Aquino, nalinis daw ang droga sa lungsod ng Davao nang maupo bilang alakalde si Pangulong Duterte.

“When I was assigned in Davao for 22 years, nagsimula na si Presidente. Piskal pa lang sya, puro drugs ang kaso nya. He cleaned Davao City during that time and makikita mo ang kanyang experience on how to clean and make drug cleared Davao,” sabi ni Aquino.

Kamakailan lang ay nagsalita si Robredo sa foreign press upang batikusin ang kampanya ng Duterte Administration laban sa ipinagbabawal na gamot. Base sa pahayag ni Leni sa Reuters, palpak daw ang giyera kontra-droga ng gobyerno at kailangan na itong ihinto.

Dahil sa pahayag na iyon ni Robredo, hinamon ito ni Pangulong Duterte na maging drug czar at pangunahan ang kampanya laban sa droga ng gobyerno. Ayon sa Pangulo, bibigyan niya si Robredo ng anim na buwan na palugid para puksain ang droga. Para ma-engganyo si Robredo na tanggapin ang hamon, hinabaan pa ni Pangulong Duterte ang palugid at ginawang hanggang katapusan ng kanyang termino.

Matatandaang na imbes na tanggapin ni Robredo ang hamon ni Pangulong Duterte sa kanya ay tila kinuwestiyon niya pa ang alok ng Presidente.

“Kung walang failure, bakit ipapasa sa akin? ‘Di ba? Kasi ipapasa mo lang ang isang bagay kapag hindi mo na kayang gawin. Kung hindi— Kung successful kasi siya, hindi kailangang ipasa, kasi wala nang ipapasa, eh. Kasi nagawa mo na. Pero kung ipapasa mo sa iba, hindi ba admission iyon na ang dami pang kailangan gawin?
,”
boladas ni Robredo.

Source: CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén