Local News

Panoorin: Natitirang Bahagi ng Hacienda Luisita, Ipinamigay na ni DU30 sa mga Magsasaka!

Sa ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR), pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapamigay ng land titles.

Iniatas din ni Pangulong Duterte ang pagpapamigay sa mga nalalbing lupain ng Hacienda Luisita na pagmamay-ari ng pamilya Cojuanco/Aquino.

Ibibigay ito sa mga kababayan nating magsasaka na benepisyaryo ng land reform program ng gobyerno.

Sabi ng Pangulo, ito ang karapat-dapat na gawin. Sana rin daw ay naipatupad na ito noong mga nakaraang administrasyon.

Sinugurado naman ng Department of Land Reform na mamadaliin nila ang direktiba ng Presidente.

“As we highlight our accomplishments and milestones in implementing CARP, let us never lose
sight of the primary aim of this program, which is to uphold the welfare of the landless farmers,
promote social justice, welfare of our landless farmers, and attain sound rural development
through the equitable distribution of all agricultural lands across the country,”
sabi ng Presidente.

Hindi rin pinalampas ng Pangulo na punahin ang pagtanggal sa bahagi ng Hacienta Luisita sa mga lupang dapat ipapamigay ng gobyerno sa mga magsasaka.

“Maghinto muna ako dito and I’d like to just say a few words. I’d like to state very clearly that I
have nothing against the Aquino family — ‘yung dalawang presidente pati ang pamilya… Pero the greatest aberration, if I look back in time, alam mo kung ako siguro ang naging malapit
lang naman makapagbulong o to make the suggestion na will not irritate ‘yung sinasabihan ko…
Alam mo, ‘yung the greatest aberration sa land reform, was the Philippines was declared — the
whole of the country as a land reform program area. Pero tinanggal nila ang Doña Luisita,”
paliwanag ng Presidente.

Lubos naman ang naging pagpapasalamat ng mga magsasaka sa ginawa ni Presidente Duterte.

“Mahabang panahon kami naging arawan sa Hacienda Luisita. Ni sa pangarap hindi sumagi sa isip namin na ang lupang aming pinagpapaguran sa araw-araw ay mapupunta sa min,” sabi ng magsasaka.

Source: PTV | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén