Local News

Panoorin: Office ng Leftist Group BAYAN, Ni-Raid! Mga Mahahabang Baril at Granada, Nakumpiska!

Hindi na nakapalag ang ilang miyembro ng leftist group na Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) nang i-raid ng otoridad ang kanilang nire-rentahang bahay sa Tondo. Ayon sa impormasyon, ginagawa daw ng mga mmiyembro ng militanteng grupo ang naturang bahay bilang opisina ng kanilang organisasyon.

Arestado sina Ram Carlo Bautista, Alma Moran at Reyna Mae Nacino. Nakuha din sa bahay ang mga aramas tulad ng M-16 assault rifle, 38 Calibre, mga bala at mga granada.

“Marami sila diyan. Para silang nagmi-meeting sa 3rd floor. Sabi nila kasi ay mga pinsan nila ‘yon na magkikita-kita lang sila,” pahayag ni Barangay Chriwoman Jocelyn Corpuz.

Umalma namana ng grupo at sinabing itinanim lang daw ang mga armas.

“Clearly planted. None of our offices have guns, firearms or explosives. Kasi hindi naman namin kailangan at hindi namin ito trabaho o gawain. ‘Yung Bagong Alyansang Makabayan is an organization of community activist,” angal ni National Union of People’s Lawyer Attorney Kristina Conti.

Nanindigan naman ang kapulisan na walang nangyaring pagtatanim ng mga ebidensiya. Ito ay sinegundahan naman ng pahayag ni Barangay Chairwoman Corpuz.

“Ok lang na aktibista ka pero bakit may granada? Doon po sa ulunan niya, pag-angat, nakita ‘yung M-16. Tapos nakita din MAC notebook at mga cellphones,” dagdag pa ni Barangay Chairwoman Corpuz.

Para kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, tila umabot na raw sa National Capital Region (NCR) ang martial law ng Duterte Government. Angal pa ni Zarate, parehas daw ang taktika na ginamit ng Philippine National Police (PNP) sa Bacolod at ang mga kasong illegal possession of firearms and explosives ay pawang imbento lamang.

Banat naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ang pagkaka-aresto sa mga namumuno sa mga militanteng grupo ay patunay na umiiral at gumagana ang hustisya sa ating bansa.

“The PNP performs its mandate to enforce the law following established procedures with utmost respect for human rights. We assure the public that the PNP remains alert and vigilant to prevent occurrence of crimes and ready to respond to any emergency, calamity and call for assistance,”sabi ni Banac.

Source: News5 | Manila Bulletin | DWIZ | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén