Local News

Panoorin: OFW, Paulit-ulit Ginagahasa ng Among Arabo! Nobyo, Humihingi ng Tulong!

Idinaan na lang ni Mj D Dtorre sa social media ang paghingi ng tulong para masagip ang kaniyang nobyang OFW na nagtatrabaho sa gitnang silangan.

Sa Facebook group ng Radyo Singko 92.3 News FM, ibinahagi ni Dtorre ang video ng kaniyang kasintahan.

Ayon kayDtorre, paulit-ulit daw na pinagsasamantalahan ng arabo ang kaniyang nobya at ayaw pa daw pauuwiin.

Hiling ni Dtorre na mapauwi na ang kniyang nobya. Ikinuwento din niya na hindi daw nakakatanggap ng sahod ang kaniyang kasintahan.

“Sir raffy tulfo ako po ai humingi ng tulong sau sir ung girlfriend k ngaun nasa saudi sa boriadha palage po cya ginagamit ng amo nya at ayaw po cya pauwiin dto s pinas kahit 6years na po cya nag trabaho dun sir sana po matulongan nyo po cya sir nakakaawa po cya at ang magulang nya nde n nya mapadalhan ng pera dhil ayaw din cya bigyan ng pera at pag nahuli po cya kunuha po ung cellphone sir…maawa po kau s girlfriend k sir subra na po ang pag titiis nya s amo nya…kahit po s traaho nya sir lahat pinagawa s kanya mag palit ng ilaw n pundi at laht ng sira s loob ng bahay cya po pinagawa sir…” sabi ni Dtorre.

Ang social media post ay umani na ng libong-libong reaksyon mula sa mga netizens. Habang isinusulat ang blog na ito ay lumagpas na sa 63,000 ang nagbahagi ng video.

Ikalat po natin ng husto itong artikulo upang makarating sa mga kinauukulan.

Source: Radyo Singko 92.3 Group

Leave a Reply

Theme by Anders Norén