Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: P734 Billion World-Class Airport, Itatayo na Ngayong December!

Tuloy-tuloy na talaga ang ginagawa ng ating pamahalaan para maging magaan ang buhay ng ating mga kababayan.

Nitong nagdaang araw ay lumabas sa ilang media outlets ang ulat tungkol sa bagong paliparan na itatayo sa Bulacan na papanagalanang New Manila International Airport (NMIA).

Ang kumpanyang San Miguel Corporation (SMC) ang magtatayo, maag-o-operate at mangangasiwa ng airpot. Nagbigay na ang Department of Transportation (DOTr) sa SMC ng notice to proceed sa nasabing proyekto.

“This morning, I signed the notice to proceed. Ang sabi ko kay attorney kanina, ‘Attorney, pagkatapos natin magsalita diyan, pwede na kayong mag-proceed. Magbungkal na kayo diyan because I signed the notice to proceed’,” sabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

Sa concession agreement na nilagdaan nitong Miyerkules, opisyal na ibinigay ng gobyerno sa SMC unit San Miguel Aerocity Inc ang 734-billion deal.

Itatayo ang paliparan sa lupang may lawak na mahigit 2,500 hektarya. May layo ito ng 30 kilometro sa hilagang-silangan ng Maynila. Ang paliparan ay inilalarawan bilang “game-changer” pagdating sa sektor ng turismo. Isa rin sa mga layunin ng bagong airport ay maibsan ang airport traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay SMC president and chief operating officer Ramon Ang, magkakaroon ang paliparan ng sariling “express train” tulad ng transit system sa Hong Kong. Magkakaroon din ang NMIA ng 4 na runways, tatlong passenger terminal buildings.

“Una magpapatawag tayo ng public bidding ng mga project na ito. I believe we will be able to do groundbreaking before the end of the year,” saad ni Ang.

Ipinaalam din ni Ang sa isang panayam na nag-survey na raw sila sa lugar para mabigyan ng bahay ang mga residente sa Bulakan na tatamaan ng proyekto. Balak din ni Ang na magkaroon ng seafood capital malapit sa paliparan. Wala rin daw gagastusin ni piso ang gobyerno sa naturang proyekto.

Source: PTV | CNN Philippines | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén