Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: “Paano ko Pahintuin ang EDSA Traffic, Nakahinto na nga!” Pastor Quiboloy, Sinupalpal si Vice Ganda!

Naging usap-usapan nitong nakaraang mga araw ang naging pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy na pinahinto niya ang lindol sa pamamagitan ng pagsasalita ng “stop”. Umani ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizen at ang isa sa mga nagbigay ng tugon sa sinabi ng Pastor ay ang komedyante ng ABS-CBN na si Vice Ganda.

Sa programa ni Vice Ganda na “It’s Showtime”, tinawag niya si Pastor na mayabang at hinamon pa ito na pahintuin ang traffic sa EDSA o kaya ay ang longest running television series ng ABS-CBN na “Ang Probinsyano”.

“Nako, kabahan si Cardo! Ang pinakakalaban ni Cardo, ang feeling ko, si Quiboloy. ‘Yung nagpahinto ng lindol. Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng ‘Ang Probinsyano,’ abangan niyo ‘yan… Sabi niya daw, stop! Sige nga, punta ka sa gitna ng EDSA, stop mo ‘yung traffic dun! Iba ka Quiboloy… So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang ‘Probinsyano!’ Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala,” birada ni Vice Ganda.

Hindi naman pinalampas ni Pastor Quiboloy ang mga banat ni Vice Ganda. Sa kanyang programa, tinapatan ni Pastor QUiboloy ang pagka-pilosopo ng komdeyante. Resbak ni Quiboloy, nakahinto na nga ang mga sasakyan sa EDSA kaya hindi na ito mapapahinto. Ang dapat daw na sinabi ng komedyante ay pabilisin ang traffic.

“Sinabi mo na pahintuin ang trapick sa EDSA. Paano ko pahihintuin? Eh nakahinto na. Ang dapat mong sinabi, pabilisan ang traffic. Let traffic flow. Paano ko pahintuin, eh nakahinto na nga eh. Paano ko pahihintuin ang nakahinto na?” buwelta ni Pastor Quiboloy.

Inirekomenda din ni Quiboloy sa kanyang mga tagapanood na tangkilikin ang Eat Bulaga ng GMA Network dahil may kapupulutan daw na aral sa naturang palabas. Ang Eat Bulaga ay ang karibal na programa ng “It’s Showtime” pagdating sa noontime slot. Binanatan din niya ang ginagawang panlalait ng ilang komedyante para lang makapagpatawa ng mga tao.

Source: FB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén